Silipin ang Contemporary Bungalow Retirement House na Ito na May Napakagandang Interior at Exterior Design at Mayroon Pang Mini Golf at Viewing Deck sa Loob ng Bakuran

Sa YouTube channel na OG o ONLY GOOD ay napakarami ng iba’t ibang klaseng magagandang tahanan ang naitampok. Mga tahanang mayroong iba’t ibang disenyo, istilo at siyempre kuwento sa kung papaano ito naipundar ng homeowner nito.

Bawat tahanang itinatampok sa YouTube channel ng OG, ay talaga namang kapupulutan ng marami sa atin ng iba’t ibang mga magagandang ideya, para sa ating mga tahanan o di kaya naman ay dream home pa lang.

Samantala, isa na namang napakagandang tahanan ang itinampok kamakailan lamang sa YouTube channel na OG, at ito ay isang contemporary bungalow retirement home, na talaga namang hahangaan ang interior at exterior design at kapupulutan din ng maraming ideya na maari nating gawin sa loob ng ating tahanan.

Ipinasilip ng dalawang Innovarc architect na sina Justin Amor Garcia at Paul Joshua Soliman ang modern contemporary home na ginawa para sa kanilang mag-asawang client, at ito ay matatagpuan sa Pampangga.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ayon kay Justin, ang client nila ay mag-asawa na gusto ng retirement house na kung saan mapapaunlakan ang mga bagay na wala sa dati nilang bahay.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Bago ipasilip nina Justin at Joshua ang loob nito, ay kanila munang ipinakita ang mga area sa labas nito, kabilang na ang brick oven, na ayon sa kanila ay ini-request mismo ng owner.

Ipinakita din nila ang mini golf course at viewing deck, kung saan mula sa viewing deck ay matatanaw ang mga palaisdaan na nakapaligid sa mismong retirement home.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ang viewing deck ay ang mismong owner ang nagpagawa dahil sa nais nitong makita ang view ng fishpond, maliban pa dito ay nagsisilbi ding pahingaan ang naturang viewing deck.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ang modern contemporary bungalow retirement home na ito ay nakatayo sa lupa na may sukat na 1000sqm, samantala nasa 300sqm naman ang pinasukat ng floor area nito.

Bago naman pumasok sa mismong loob ng retirement home na ito, ay agad na mapapansin muna ang nakamamanghang main door nito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Pagpasok naman sa loob nito ay agad na bubungad ang isang wall na may natural stone na may dekorasyon na metal artwork.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Kasunod nito ay makikita na ang dining area ng tahanang ito, kung saan kamamanghaan ang napakagandang 10-seaters dining table, na gawa sa pinakamatibay na kahoy sa bansa.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Tunay na napakaganda ng dining area, kung saan maliban sa ilaw na mayroon ito, ay binibigyang liwanag din ito ng natural light na tumatagos mula sa malalaking glass window dito at sa glass door. Sa mismong dining area, ay makikita din na nasa isang bahagi lang nito ang kitchen area.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Isang napaka-enggrande namang living area ang mayroon ang retirement home na ito, dahil ayon kana Justin at Joshua ay dahil sa gusto ng homeowner nito ang maging mapang-anyaya sa mga bisita ang kanilang living area.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ang pinakatampok naman ng retirement home na ito ay ang lanai area, kung saan nasa tabi nito ng jacuzzi at lap pool. Kapansin-pansin ang pagka-bluish at greenish ng tubig ng pool, dahil na rin sa gray tiles na ginamit rito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ang modern contemporary retirement home na ito ay mayroon ding napakagandang common powder room at gym na may mga iba’t ibang mga gym equipment, kung saan sa gym area ay matatanaw ang napakagandang kapaligiran tulad ng golf area at viewing deck dahil sa malalaking glass window sa silid na ito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Maliban pa sa gym, ay mayroon ding gallery hall ang tahanang ito, na siyang nagsisilbing pinaka-highlight ng retirement home na ito dahil dito makikita ang mga memorabilia ng pamilya.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Tunay ding kamangha-mangha ang masters badroom ng tahanan na ito, simula pa lamang sa pintuan na mayroong kakaiba at magandang disenyo hanggang sa pinaka-tema ng silid na ito. Kamangha-mangha din ang walk-in closet nito, na mayroon ding vanity area at master toilet and bath.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Napakaganda naman talaga ng retirement home na ito, at panigurado na marami sa atin ang nakapulot na naman ng mga ideya na maari nating gawin sa loob ng ating tahanan para ito’y mas lalo pa nating mapaganda.

This Retirement Home Is a Contemporary Bungalow That's Stunningly Modern | Unique Homes | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *