Silipin ang Bahay Bakasyunan na Ipinatayo ng Mag-asawang Chito at Neri Miranda sa Kanilang Nabiling Lupa sa Tagaytay na Ngayo ay Kanila ng Pinaparentahan at Pinagkakakitaan

Bukod sa pagiging sikat na personalidad, kilala ng karamihan si Neri Naig bilang “Wais na Misis” dahil sa kaniyang hindi mabilang na mga negosyo at investments at pati na rin sa kaniyang nakaka-inspire na mga payo para sa kaniyang mga kapwa nanay at negosyante. Kamakailan nga ay mayroon na namang nadagdag sa mga napakaraming negosyo ng dating aktres.

Ibinahagi nga ni Chito Miranda ang ilang mga litrato kung paano nagsimula ang bagong negosyo na ito. Ayon sa singer, sa tulong ng tuyo business ng kaniyang asawa ay nakabili ito ng 200 sqm. na property sa halagang PhP400,000.

At dahil talagang ikinatuwa niya ang property na ito, nagdesisyon siyang bumili ng isa pang lupa na may sukat na 1,500 sqm. na maaari nilang magamit bilang bakasyunan.

Sa loob ng ilang taon ay unti-unting pinaganda ni Neri ang property na ito hanggang sa huli ay nakapagpatayo siya ng apat na villas at isang swimming pool.

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Dahil sa ganda ng lugar, naisip ni Neri na sa halip na gawin itong bakasyunan na para lamang sa kanilang pamilya ay maaari din nila itong buksan sa publiko.

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Perpekto ang apat na villas para sa malalaking pamilya na nais makapagbakasyon. Talagang family-friendly din ito dahil sa playground na kalapit ng swimming pool.

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

May espasyo rin sa iba’t ibang bahagi ng villa kung saan pwedeng-pwedeng makapag-picnic ang kanilang mga guests. Maaari din silang magdaos ng iba’t ibang selebrasyon sa pavilion ng lugar gaya ng birthdays, kasal, o simpleng party.

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Matapos naman ang buong araw ng pagsasaya sa amenities ng property ay walang duda na makakapagpahinga nang maayos ang kanilang mga guests dahil sa kanilang napakagandang mga villas.

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Moderno ang interior design ng bawat villa at mayroon itong neutral na mga kulay. Kung titingnan ay may kaliitan ang sukat ng bawat villa ngunit nakakabilib na kasyang-kasya ang apat na kama sa dalawang palapag kaya naman maaari itong paghatian ng apat hanggang anim na tao.

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Dahil sa ganda ng rest house nina Chito at Neri Miranda, hindi malayong mas dadami pa ang bibisita rito.

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda Youtube Channel

Hindi rin magtatagal ay siguradong magiging matagumpay ang mag-asawa sa bagong negosyo na kanilang pinasok kaya naman mas maraming pang mga negosyante ang ma-iinspire sa pagiging matagumpay na negosyante ng dalawa.

Miranda Vacation Resthouse Negosyo Update | Chito Miranda & Neri Naig

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *