Silipin ang 2-Bedroom Loft Style House na ito na Mala Farm House ang Datingan at Naipatayo sa Halagang Php1.1M

Pangarap ng halos lahat sa atin ang tumira sa isang maayos, maganda, kumportable at tahanang tunay na ating maipagmamalaki, kahit na ito man ay maliit o malaki. Iba’t iba tayo ng pinapangarap na tahanan, ang iba ay mas gusto ang malaki, kongkreto at modern, may iba naman sa atin na mas nais ang maliit, simple ngunit maayos na tahanan.

Isang napakaganda at nakaka-relaks naman na tahanan ang ngayon ay ang masusulyapan, at panigurado na marami sa atin ang magugustuhan ang tahanan na ito, lalo na sa mga ang pangarap na tahanan ay iyong simple lamang at gawa lang sa kahoy ngunit maganda at may pagkamoderno pa rin ang disenyo.

Ang ganitong tahanan ay perpekto din para sa mga nagpaplano sa mga nagpaplanong magtayo ng kanilang tahanan sa farm.

Makikita na ang tahanan na ito ay loft style, kung saan mayroon itong tatlong yapak ng hagdan na siyang daan patungo sa balkonahe nito.

Mapapansin na ang balkonahe ng tahanan na ito ay gawa sa purong kahoy na nilgyan lamang ng pangpakintab at pang-waterproof na pintura upang masigurado na ito ay magiging matibay. Perpekto naman ang shed roof ng tahanan na ito para sa moderno nitong disenyo at pinta na kulay abo.

Kung pagmamasdan ay tila maliit lamang ang tahanan na ito, sa kabila nito ay masasabi naman na ito ay isang kaaya-ayang tahanan. Makikita sa balkonahe ng tahanan na ito ang mga built-in benches na kumportableng upuan sa mga nagnanais na tumambay dito habang tinatanaw ang magandang tanawin na nakapaligid sa tahanang ito.

Kahit naman halos gawa sa kahoy ang balkonahe at sahig ng tahanang ito, kongkreto naman ang pundasyon nito. Isa pa sa nagpamoderno sa tahana na ito ay ang mga slidin glass window nito at sliding glass door.

Ang tahanan na ito ay talaga namang perpektong tirahan para sa mga nagnanais na manirahan sa mga lugar ba mayroong mainit na panahon, dahil sa pagka-tropical vibe nito. Mas lalo pang maganda at nakakarelaks ang tahanan na ito dahil sa luntiang kapaligiran na nakapaligid dito.

Sa mga nagpaplano naman ng mala-farm house na tahanan ay maari na itong maging inspirasyon at ito ay nagkakahalaga ng Php1.1 milyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *