“Sharing our simple tiny home” Misis na Isang Nurse at 5-Taong Nagtrabaho Bilang OFW Masayang Ipinasilip ang Kanilang Napakaganda at Simpleng Tiny Home na may Temang Puti at Kahoy

Ang Facebook community group page na Home Buddies ang isa sa mga madalas na bisitahin ng mga misis kapag sila ay nagba-browse sa social media, at ito ay dahil sa community page na ito ay napakaraming mga bagay at ideya silang natutunan at nakukuha na nagagawa nilang ma-i-apply sa loob ng kanilang tahanan, upang ito’y mas mapaganda.

May iba pa naman sa ating mga misis ang noon ay masugid lamang na tagasubaybay at tagamasid lamang sa mga naibabahaging magagandang tahanan sa Home Buddies, na ngayon ay nagagawa na ring magbahagi ng kanilang napakagandang tahanan.

Tunay naman kasi na nakaka-inspire makakita ng mga magagandang tahanan, lalo na kung ang homeowner pa nito ay may nakamamanghang kuwento sa kung paano nabuo ang kanyang dream home.

Samantala, kamakailan lamang ay isang misis na noon ay sumusubaybay lamang sa mga inspiring stories at magagandang tahanan sa Home Buddies, ang ngayon ay nagawa na ding magbahagi ng kanilang napakagandang tiny home at ang kuwento sa kung paano nilang mag-asawa nabuo ang tahanan nilang ito.

“Hello virtual kapitbahays! I’m so glad to see inspiring home stories and helpful tips in this group. Sharing our simple tiny home. Hopefully next time dream big house na po namin ang ma ishare ko dito”, – unang saad ng misis na si Jessa Lyn sa kanyang naging post sa Home Buddies, kalakip ang ilang mga larawan na kuha sa kanilang simple ngunit napakagandang tiny home.

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Sa mga larawan na ibinahagi ni Jessa Lyn ay makikita na ang kanilang tiny home na ito ay mayroong napakaganda at maaliwalas na tema, kung saan ito ay temang puti at kahoy. Mapapansin na ang kanilang living area ay hindi kalakihan, ngunit may sapat itong espasyo para sa kanilang L-shape sofa na ang kulay ay cream na bagay na bagay din talaga sa tema ng kanilang munting tahanan.

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Makikita din na sa may gilid na bahagi ng kanilang sofa ay naroroon ang hagdanan na temang puti at kahoy din, at ito ay ang siyang daanan patungo sa ikalawang palapag ng kanilang munting tahanan.

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Pagdating naman sa may dining area ng tahanan nilang ito ay masisilayan ang 4-seater round table. Mapapansin naman na sa kabila ng hindi gaanong malawak ang espasyo ng bahaging ito, ay nagmukha naman itong malapad dahil sa wall glass mirror na idisenyo sa kabilang dingding ng dining area.

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Hindi rin ganun kalaki ang kitchen area ng tiny home na ito nina Jessa Lyn, ngunit kamamanghaan ang pagkakaayos ng kitchen appliances dito, at ang pagiging ayon din nito sa tema ng kanilang tahanan na puti at kahoy.

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Isa naman sa mga bahagi ng tahanan nina Jessa Lyn na naging agaw-pansin, ay ang altar na nasa may hagdanan, ganun din ang kanilang bathroom na temang puti at kahoy din.

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Pagbabahagi naman ni Jessa Lyn ang tiny home na ito na naipundar nila ng kanyang mister katas ng kanilang pagtutulungan at pagbibigay suporta sa bawat pangarap ng isa’t isa, kung saan nagsimula sila sa pagiging nursing college sweethherats hanggang after graduation, matapos nilang parehong makapasa sa NLE siya ay naging isang Nurse at nagtrabaho bilang OFW sa ibang bansa samantala ang mister naman niya ay nag-pursue sa pagdo-doktor nito.

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Home Buddies | Facebook Group

Saad pa niya, ang tahanan nilang ito ay nabili nila ng kanyang mister sa taon din na sila ay ikinasal at hindi naging madali ang pagtupad nila sa kanilang mga pangarap, ngunit dahil sa kanilang patuloy na pagtitiwala sa Diyos, at pagsisikap unti-unti nilang natupad ang kanilang pangarap na mag-asawa, kung saan ngayon maliban sa tahanan nilang ito, ay mayroon na silang sarili nilang medical clinic, new bigger ride, condo at ang kanilang baby girl.

Payo naman ni Jessa Lyn para sa lahat ng patuloy na humaharap sa bawat hamon ng buhay at nagsusumikap para sa kanilang mga pangarap,

“If things are not going well right now does not mean they will be the same forever. THINK big, DREAM big, PRAY big, BELIEVE big, and MAKE it happen”.

Dagdag pa niya, “Be happy and grateful virtual neighbors! Whether your house are big or small as long as you worked hard to get it, consider it a huge success. Mabukay ka!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *