“Pwede naman pala hindi na mag abroad si husband ko” Mag-asawa Nakapagpundar ng Pangarap nilang Bahay Katas ng Kanilang Negosyong Isawan, Bulaluhan at Construction

Ang pagkakaroon ng isang maganda, maayos at kumportableng tahanan ang pinapangarap ng marami sa atin, lalo na ng mga mag-asawa dahil ito’y para sa kanilang bubuuing pamilya. Sa kabila nito batid natin na sa panahon ngayon, ay hindi na biro ang pagpapatayo ng isang tahanan, dahil sa tumataas na presyo ng mga materyales pati na ang bayad sa mga trabahador na gagawa nito.

Dahil sa pagnanais na magpatayo ng sariling tahanan, ang ilan sa atin ay pinipili ang makipagsapalaran sa ibang bansa, sa pag-asa na sa pagtatrabaho dun ay mas magiging madali ang mmakapag-ipon para mabigyan ng katuparan ang pinapangarap na tahanan.

Samantala, sa kabila nito, may ilan naman sa atin na pinatunayan na posible pa rin tayong makapagpatayo ng ating pangarap na tahanan ng hindi nakikipagsapalaran sa ibang bansa at nalalayo sa ating pamilya.

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Halimbawa na lamang nito ay ang isang misis na proud na ibinahagi sa Facebook community page na Home Buddies kamakailan lamang ang naipundar nilang tahanan na ayon sa kanya ay katas ng kanilang panenegosyo at pagtutulungan na mag-asawa.

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Ayon sa post misis na kinilalang si Melanie Santos Cipriano, posible pala na makapagpagawa sila ng tahanan kahit na hindi na mag-abroad ang kanyang asawa.

“Pwede naman palang hindi na mag-abroad si husband ko”, ang unang saad ni Melanie sa kanyang Facebook post.

Dagdag na saad pa niya, ang kanilang napakagandang tahanan na proud niyang ibinahagi ang mga larawan sa Home Buddies ay katas ng pagtutulungan nilang mag-asawa sa kanilang pagnenegosyo at pagtitinda ng isaw, bulalo, unliwings at kung anu-ano pa.

“Share ko lang ang napundar naming na munting bahay galing sa pagtitinda ng isaw, bulalo, unliwings at kung ano-ano pa at syempre galing sa pagkoconstruction ng asawa ko”,aniya pa.

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Sa kabila naman ng hindi gaano kalaki ang tahanan na ito nila Melanie dahil sa sukat lamang nito na 50sqm, ay makikita naman ang kagandahan nito at ang pagkakaayos. Mapapansin ang maliit ngunit -cozy na living area nito.

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Napakaganda din ng pagkakadisenyo ng kanilang kusina kung saan napaka organized ng mga kagamitan at napakaraming storage para sa kanilang mga kagamitan na pang luto. Makikita din ang isang countertop bar dito na nagsisilbing lagayan ng kanilang ulam minsan at madalas ay kinakainan nila tuwing breakfast.

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Kamamanghaan din ang dining area dahil sa eleganteng dining set na makikita rito. Makikita din na talagang minaximize ang bawat espasyo ng tahanan na ito nina Melanie, dahil ang espasyo ng ilalim ng hagdan ay dito makikita ang tila display area na may cabinet at sa gilid naman nito ang kanilang 2-door refrigerator.

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Isa pa din sa talagang nakamamangha sa tahanan na ito ay ang pagkakaroon nito ng balkonahe sa taas kung saan nagmistula itong napakagandang area na maaring tambayan dahil sa mga dekorasyon, pailaw at upuan na inilagay dito.

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Photo credits: Melanie Santos Cipriano | Facebook

Mapapansin din na damang-dama na ang kapaskohan sa tahanan na ito nina Melanie, dahil sa labas nito ay makikita sa gabi ang nagliliwanag na mga Christmas lights at deor.
Pagbabahagi pa ni Melanie ang tahanan nilang ito ay nakatirik sa Lanscaster New City.

“50 sqm House and Lot sa Lancaster New City
To God be the Glory”, ani pa ni Melanie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *