Pamilya na Halos 20-Taon na Laging Binabaha at 6-Taon na Nakitira Proud na Ipinasilip ang Naipundar na Modern Duplex House

Bawat pamilya ay may kanya-kanyang pinagdaanan bago pa man nila mabigyan ng katuparan ang mga pinapangarap nila sa buhay, katulad ng pagkakaroon ng sariling tahanan na kanilang maipagmamalaki.

Ang pagkakaroon ng isang maayos, maganda at maipagmamalaking tahanan ay tunay na hindi biro lalo na sa mahal ng mga bilihing materyales ngayon, ngunit ito’y posibleng mabigyan ng katuparan kapag ang isang tao o pamilya ay masikap at matiyaga sa buhay.

Halimbawa na lamang nito ay ang isang pamilya, na 20-taong nanirahan sa tahanang madalas bahain at 6-taon din na naranasan ang makitira, na ngayon ay proud ng ibinahagi ang pagkakaroon nila ng maayos at magandang tahanan na tunay na kanilang maipagmamalaki.

Sa Home Buddies ay ibinahagi ng netizen na si Julie Elaine Esteban ang kanilang napakaganda na ngayong tahanan, kalakip nito ay ang maikli niyang caption kung saan ay kanyang nasabi ang paninirahan nila noon sa tahanan na madalas bahain at ang kanilang naging paninirahan sa iba, dahil sa kawalan nila ng sarili nilang tahanan.

“More than 20 years na binabaha… 6 years na nakitira… Finally, it’s time to share our Very-Home-Buddies inspired humble abode. Duplex with my cousins…”, saad niya sa kanyang caption.

Dagdag pa niya, “No Christmas tree and garland for this year. Just a simple stuff to celebrate this season.”

Makikita sa ibinahaging larawan ni Julie Elaine, na ang tahanan nilang ito ay mayroong modernong disenyo, at ito ay duplex house base na rin sa naging caption niya.

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Hindi man ganun kalawak at kalaki ang tahanan nilang ito, ay mapapansin naman ang pagkakaroon nito ng magarang interior, kung saan tila ang kumbinasyon ng tema nito ay white, gold, at wood.

Ang living area ay may tamang lawak lamang kung saan naroroon ang sakto lang sa laki na l-shaped sofa na gawa sa wood, ngunit may foam na nababalutan naman ng kulay puti. Makikita din na ang TV rack nila ay naka-hang, at agaw pansin din sa living area ang wood accent na nasa wall sa may bandang TV.

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Ang dining at kitchen area ay nasa iisang bahagi lamang, kung saan sa dining ay makikita ang 6-seater wood dining table, at sa gilid nito ay ang kitchen na may magagara ding kagamitan tulad ng refrigeraton.

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Agaw-pansin din sa may bandang kitchen area ang isang display open cabinet kung saan dito naka-ayos ng pagkaka-display ang magagarang collectible na mga pinggan, tea set at marami pang iba.

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Nasa ikalawang palapag naman ng tahanan nilang ito ang bedroom, kung saan hindi rin nawala ang temang white, wood. Isang inukit na kahoy naman ang naging accent sa may wall ng bandang headboard sa bedroom na ito.

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Sa bathroom area naman ay mayroong ding wall, na may wood accent kung saan wood ang disenyo ng tiles sa may bandang shower area. Napakaganda din ng sink ng bathroom area ganun din ang mga kagamitan dito.

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Julie Elaine Esteban | Facebook Group Homebuddies

Talaga namang hindi imposible na makamit natin ang pangarap nating tahanan, basta’t tayong magsikap lamang sa buhay at patuloy na pagtrabahuan ang katuparan ng ating mga pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *