Ogie at Regine Alcasid, Ipinasilip ang Kanilang Napakagandang Three-Storey House na Matatagpuan sa Quezon City

Ang mag-asawang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang dalawa sa mga maituturing na icons sa larangan ng musika. Alam rin ng ilan na nagmamay-ari ang mag-asawa ng napakagandang three-storey house sa isang exclusive na subdivision sa Quezon City.

Photo Credits: Regine Velasquez Alcasid | IG

Makikita ang bahay ng mag-asawa sa tuktok ng isang burol kung saan nakikita nila ang napakagandang view ng lugar. Kapansin-pansin na talagang pinag-isipan nang mabuti ng mga interior designers na sina Ivy at Cynthia Almario ang disenyo ng living room ng bahay. Puno ito ng iba’t ibang dekorasyon mula sa mga lokal na artists.

Photo Credits: Regine Velasquez Alcasid | IG

Isa rito ay ang arc lamp at coffee table na kasama sa Kai Collection ng designer na si Kenneth Cobonpue. Theater-type naman ang disenyo ng kusina kung saan malayang nakakapagluto si Regine. Sa dining area naman makikita ang eight-seater na lamesa kung saan kasyang-kasya ang pamilya at ilang mga bisita. Makikita rin dito ang entertainment equipments ni Ogie.

Photo Credits: Regine Velasquez Alcasid | IG

Mayroon ding nakalaan na kwarto para sa opisina ni Ogie. Kumpleto ito ng iba’t ibang kagamitan na kailangan ng mang-aawit. Bukod sa office space, mayroon ding music room si Ogie.

Photo Credits: Regine Velasquez Alcasid | IG

Kumpleto ito ng mga kagamitan na ginagamit niya sa pag-compose ng mga kanta gaya ng keyboard, computer, at synthesizer. Dito rin makikita ang mga awards na kaniyang natanggap. Napakaganda rin ng kwarto ng kanilang anak na si Nate. Ayon sa kanila, dati itong music room ni Ogie ngunit inayos nila ito upang maging kwarto ni Nate.

Photo Credits: Regine Velasquez Alcasid | IG

Kapansin-pansin din ang mga artworks at kagamitan sa staircase ng bahay. Narito makikita ang mga abstract paintings nina Elmer Torio at Louie Ignacio. Makikita rin ang ilang artworks ng kapatid ni Ogie na si Tony Alcasid. Ilan sa mga ito ay ang mga paintings na Kailangan Kita at Huwag Ka Lang Mawawala na kasama sa kaniyang exhibit na The Many Phases of Love.

Photo Credits: Regine Velasquez Alcasid | IG

Malaya ring nakakapag-relax ang pamilya nina Ogie at Regine sa kanilang infinity pool. Kwento ni Regine, pakiramdam daw nila ay nasa spa sila at nasa ibang bansa tuwing bumibisita sila sa kanilang pool.

Photo Credits: Regine Velasquez Alcasid | IG

Ipinakita ng disenyo at mga dekorasyon ng bahay ang personalidad ng mag-asawa. Totoong napakaganda nito dahil hindi lang nakakapagpahinga ang pamilya kundi may espasyo rin ang bawat isa para sa kanilang mga trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *