Neil Arcee at Angel Locsin, Ipinasilip ang Ipinamana sakanilang Old House na Kanilang Ipinarenovate na Ngayon ay Isa ng Modernong Bahay na Komportable nilang Tinitirhan

Isa sa pinakahalagang hakbang sa pagsisimula sa pagbuo ng pamilya ay ang pagkakaroon ng bahay na masisilbing tahanan. Dito nga ay hindi lamang masasayang alaala ang maaaring mabuo, kundi dito rin mabubuo ang mga pangarap na inaasam para sa pamilya.

Kaya naman, matapos ang kanilang pag-iisang dibdib ay tiniyak ng mag-asawang sina Angel Locsin at Neil Arce na may tutuluyan silang tahanan kung saan sila bubuo ng kanilang sariling pamilya.

Photo credits: The Angel and Neil Channel

Hindi naman pinalampas nina Angel at Neil ang pagkakataon na maibahagi sa kanilang mga tagahanga ang kanilang journey bilang sa buhay nilang mag-asawa. At sa isang vlog nga ay ipinasilip ng dalawang ang napakagandang bahay na bagong renovate kung saan sila mismo ang nagdisenyo.

Photo credits: The Angel and Neil Channel

Photo credits: The Angel and Neil Channel

Malaki naman ang pasasalamat nina Angel at Neil dahil sa hirap nilang paghahanap sa pagpili ng bahay, ay siya namang pagdating ng magandang biyaya.

Photo credits: The Angel and Neil Channel

At ito nga ang bahay na kanilang tinitirhan ngayon, matapos ipagkaloob sa kanila dahil dati itong pagmamay-ari ng pamilya ni Neil.

“Sobrang laking ginhawa at tipid namin sa mga bagay. Medyo old house siya. Ni-renovate lang namin kaunti,”pahayag ni Angel.

Dahil nga isa na itong lumang bahay, ay naisipan ng mag-asawa na iparenovate ito upang magmukhang bago at mas lalo pang gumanda. At sa nasabing vlog ay ipinasyal ng bagong kasal ang kanilang manonood sa kanilang newly-renovated house.

Photo credits: The Angel and Neil Channel

Talaga namang bumilib ang netizens sa taglay na ganda ng kanilang bahay kung saan nga ay hindi aakalain na isa itong dating lumang bahay.

Pagpasok pa lang nga sa kanilang bahay ay masisilayan na agad ang ganda ng foyer. Mapapansin dito ang napakatibay at mabigat na wooden door na disenyo mismo ng artist na si Claude Tayag.

Photo credits: The Angel and Neil Channel

Samantala, dahil laganap ang sakit sa kasalukuyan, ay tiniyak naman nina Angel at Neil ang kanilang kaligtasan kung saan nga ay may inilaan silang sanitizing area sa kanilang bahay.

Ibinahagi rin ng mag-asawa ang sikretong pinto patungo sa utility room. At dito naman ay masusumpungan ang mini bar at girl’s room. Kahanga-hanga naman ang gandang taglay ng living area. Bukod kasi sa malinis, at maaliwas ay talagang nakakarelaks ring maupo sa puting sofa nito. Mayroon naman itong high ceiling dahilan nga para magmukhang maaliwalas ang lugar. Mapapansin rin dito ang magagandang artwork ng artist na si Jett Osian.

Dinala rin ng mag-asawa ang mga viewers sa paboritong area ni Neil sa loob ng kanilang bahay. At ito nga ang Den kung saan siya madalas makita ni Angel na mahimbing na natutulog.

Den

Photo credits: The Angel and Neil Channel

Ipinaliwanag naman ni Angel na ang side porch nila ang nagsisilbing testing area ng kanilang SWAB test. Ang nasabing area rin ay ginawa na nilang outdoor cooking area..

Hindi naman nakaligtaan ng mag-asawang ipasilip ang ilan pang bahagi ng bahay katulad ng kanilang dining room, kitchen, garage,at laundry area.

Living Area

Photo credits: The Angel and Neil Channel

Kitchen

Photo credits: The Angel and Neil Channel

Outdoor Area

Photo credits: The Angel and Neil Channel

Dining Area

Photo credits: The Angel and Neil Channel

Laundry Area

Photo credits: The Angel and Neil Channel

Siyempre sa napakagandang bahay nina Angel ay hindi nawala ang kanilang sariling pool area at maaliwalas na garden.

Narito at panoorin ang house tour video ng mag-asawang Neil and Angel.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *