Misis Proud na Ipinasilip ang Naging Renovation ng Kanilang Munting Tahanan na Ngayon ay may Tema ng White at Gray at Mayroon ng Masmalawak na Bathroom

Marami ang nawiwili sa atin ngayon sa pagtambay sa Facebook community page na Home Buddies, dahil sa mga magagandang tahanan na ibinahagi dito kung saan nakakapulot ang bawat isa sa atin ng iba’t ibang mga bago at kaaya-ayang ideya na maaring magawa natin sa loob ng ating tahanan o sa pinapangarap pa lamang natin na dream home.

Halimbawa na lamang nito ay ang isang misis na kamakailan lamang ay proud at masayang ipinasilip sa Home Buddies ang kanilang munting tahanan na ayon sa kanya ay bagong renovate at karamihan sa mga ideya nito ay napulot nila sa nasabing community page.

“Hello to this amazing and inspiring group!

Finally after almost 6 years nakapagpaayos din!🥰 Our home renovation was on going when we invited to this group and hindi ko alam if nakatulong ba samin ang pagjoin or hindi😂 Yung super strict kami sa budget pero unti-unti kaming nabebend ng husband ko sa dami ng ideas na nakikita namin”, saad ng misis na si Adette San Juan Dela Roma sa kanyang naging pagbabahagi sa Home Buddies.

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Pagbabahagi ni Adette halos anim na taon din ang kanilang hinintay na mag-asawa bago nila mapaayos ang kanilang munting tahanan. Pagbabahagi pa niya, sa naging renovation ng kanilang tahanan ay talagang naging strikto sila pagdating sa budget, ngunit ito’y nabago ng maging miyembro sila ng Home Buddies kung saan iba’t ibang mga ideya ang kanilang nakita at nagustuhan para sa kanilang tahanan.

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Aminado naman si Adette na sa pagpaparenovate nila ng tahanan ay hindi sila ganun kahanda sa pinansyal na magagastos, pero sa kadahilanang kailangan na talaga nilang ipaayos at palawakan ang ibang bahagi ng kanilang tahanan dahil sa ito ang mas mainam sa kanilang anak na may special needs.

Ayon pa sa kanya, ang nasa plano lang talaga sana nilang ipa-renovate ay ang pagpapalawak ng kanilang bathroom at pagdagdag ng isa pang silid, ngunit dahil sa napakaraming ideya na kanilang naisip ay nadamay na ang ibang bahago ng kanilang tahanan. Sa kabila naman ng hindi nila inaasahan na madadamay sa renovation ang ibang area ng tahanan nila ay masaya naman sila sa kanilang naging desisyon dahil tunay namang napakaganda ng naging resulta ng ginawang renovation.

“It was a tough decision that we made as we weren’t fully financially prepared but we took the risk because we felt the need and urgency for our daughter’s convenience and safety who has special needs. A more spacious bathroom and additional room lang talaga sana on the first floor pero nadamay na yung ibang area!🙈😁 But no regrets and overall, we are happy with the decision that we made, ani pa ni Adette.

Sa mga larawang ibinahagi ni Adette sa Home Buddies ay makikita na ang kanilang tahanan ngayon ay mas naging maaliwalas at malawak, lalo na sa tema nitong white at gray. Mapapansin din na mas naging moderno at elegante itong tingnan, dahil sa pagkakaayos ng mga kagamitan at pagbagay nito sa tema ng tahanan.

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Sa huling bahagi ng kanyang post ay pinasalamatan ni Adette ang Cubic8 Interior Solutions at ArRon, na ayon sa kanya ang mga ito ang siyang nanguna sa renovation ng kanilang tahanan kaya naman napakaganda ng kinalabasan nito. Nagpasalamat din siya sa kanyang napakasipag na mister, ganun din sa Poong Diyos na batid naman natin na siyang pinagmulan ng lahat ng biyaya sa ating buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *