Mamangha sa Napakagandang Three Story Modern Glass Cabin na Napapaligiran ng Magandang Tanawin sa Nasugbu, Batangas ang The Black Cabin

Hindi na bago sa atin ang makakita ng mga naglalakihan at nagagandahang mga tahanan, lalo na ‘yong mga mayroong kakaibang disenyo at tema. Sa kabila nito, ay patuloy pa rin tayong namamangha at napapa-wow sa tuwing tayo’y nakakakita ng mga tahanang malalaki, magaganda at moderno, lalo na kung ito ay nakatayo sa isang lugar na mayroong kamangha-manghang tanawin.

Halimbawa na lamang nito ay ang moderno at napakagandang tahanan na kamakailan lamang ay ibinida ng YouTube channel na OG. Ang tahanan na ito ay isang three story modern glass cabin na tinawag ng owner nito na ‘The Black Cabin’ at ito ay pinasyalan ng senior producer ng OG channel na si Mart Francisco.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Pagbabahagi ni Mart, ang The Black Cabin ay may lot area umano na 160 sqm, samantala ang floor area naman ng mismong modern glass cabin na ito ay nasa 100sqm. Ang The Black Cabin ay matatagpuan sa Nasugbu, Batangas.

 

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ang caretaker ng The Black Cabin na si Kuya Randy ang kasama ni Mart sa kanyang pag-tour dito, at ito din ang nagbigay sa kanya ng keycard para mapasok niya ang mismong loob ng cabin.

Bago naman pinasok ni Mart ang loob ng The Black Cabin ay kanya munang tinungo ang pool area, na isang infinity pool at mayroong L-shape na hugis. Kasunod nito ay saka siya nagdesisyon na pasukin na ang napakaganda at modernong three story glass cabin.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Pagpasok na pagpasok sa loob ng The Black Cabin ay kaagad ng bubungad ang kitchen area nito na kumpleto sa mga kitchen appliances, tulad ng refrigerator, coffee maker, rice cooker at iba pa. Makikita din sa bahaging ito ang pisang wooden 6-seater dining table. Ipinakita naman ni Mart ang isang glass door sa may kitchen area na may access na L-shaped swimming po.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Tunay na nakakamangha ang ganda at disenyo ng Black Cabin, at tulad ng ilang mga tahanan na naibida na ng OG, ay mayroon din itong mga barn door na siyang nagsilbing pintuan ng powder room sa unang palapag. Ang barn door ay isa sa patok na pintuan ngayon, lalo na kung mas nais mong mag-maximize ng space sa iyong tahanan.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Samantala, talaga namang napakaganda ng powder room sa unang palapag dahil sa mga disenyo ng tiles na piniling ilagay dito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Kasunod naman na ipinakita ni Mart na ayon sa kanya ay talagang nagandahan siya sa bahaging ito ng The Black Cabin ay ang living area nito, dahil sa pagkakaroon nito ng high ceiling.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Pagbabahagi pa ni Mart, ang istilo at disenyo ng tahanan na ito, ayon sa mismong may-ari nito, ay hango sa mga industrial design, kaya naman sa living area ay kakikitaan ito ng mga leather chair na hindi nawawala sa mga industrial home. Ayon pa kay Mart ang pinaka-interior ng The Black Cabin ay talaga namang pinaganda ng mga organic accent nito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Sa pagtu-tour ni Mart sa Black Cabin, ay kanya ring ipinasilip ang tatlong silid-tulugan nito, na parehong mayroong mga magagandang kagamitan at disenyo.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Una niyang ipinakita ang isang silid-tulugan na matatagpuan sa ikalawang palapag. Ang silid-tulugan na ito ay mayroong dalawang single bed na parehong may pullout. Isa pa sa kaaya-aya sa silid na ito, ay ang magandang tanawin na matatanaw mula sa glass window nito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Mayroon ding balcony sa ikalawang palapag ng The Black Cabin, kung saan mula rito ay matatanaw ang kagandahan ng Mount Batulaw.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Huling ipinasilip ni Mart ang ikatlong palapag ng The Black Cabin, kung saan dito makikita ang dalawa pang silid-tulugan at balkonahe na mayroon ding kamangha-manghang tanawin na matatanaw. Ang ikawalang silid-tulugan na nasa ikatatlong palapag ay kamangha-mangha din ang ganda.

Ito ay naka-high ceiling, at mayroong queen isang queen sized bed at sariling bathroom area na may bathtub pa.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ang huling silid naman ay pareho ding may queen sized bed, at sariling bathroom, ngunit ang kagandahan nito ay nakahiwalay ang bathtub area sa shower area.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Sa mga nagpaplano ng bbumisita o mag-overnight sa The Black Cabin, ito ay nakakapag-accommodate ng 8 hanggang 10 katao, at kung may additional na katao man ay mayroong karagdagang bayad na Php1000 kapag adult at Php500 naman kapag kids.

Maaring ma-enjoy ang napakagandang lugar na ito ng exclusive lang para sa inyo, sa halagang Php15,000 per night, kaya naman ibilang niyo na ang The Black Cabin sa mga check list na gusto niyong pag-overnight-an.

Narito at panoorin ang buong video ng naging House Tour ng OG sa kanilang youtube channel.

Tour this Three Story GLASS CABIN w/ Stunning Details & Epic Views of the Mountains | Unique Homes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *