Mamangha sa Napakagandang Interior Design ng Solo-Living Netizen na ito na may Temang White, Gold at Kahoy, Tinawag niya itong Casa Espiritu

Iba-iba ang kagustuhan natin sa pagpapatakbo ng ating buhay, halimbawa na lamang ng mayroong iba sa atin gustong mamuhay kasama ang kanilang pamilya at ayaw na malayo sa mga ito ngunit mayroon din naman na mas gusto ang mamuhay ng solo o di kaya naman ay kung tawagin ay ang pagso-solo living.

Tunay na mayroon ding magandang epekto sa mga buhay natin ang mamuhay ng solo, dahil dito tayo nagiging independent, at mas nakikilala natin ang ating sarili o kung ano man ang mga gusto natin gawin sa ating buhay.

Samantala, pagdating sa usapang solo living, isang netizen sa Facebook community page na Home Buddies, ang nito lamang nakaraan ay ibinahagi ang kanyang tahanan, kung saan siya’y mag-isang naninirahan.

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Ang tahanan niyang ito ay talagang kanyang ipinagmamalaki, dahil sa ito ang naging kanlungan niya sa mahigit 2-taon na din niyang paninirahan ng solo na malayo sa siyudad ng Maynila.

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Sa kanyang naging pagbabahagi sa Home Buddies, ay ipinnasilip niya ang napakagandang tema ng kanyang tahanan na ito na tinawag niyang Casa Espiritu.

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Ayon sa kanya, bago matapos ng taon, ay gusto niyang ipakita ang napaka-calming at pleasing niyang tahanan, dahil sat ema ng kulay na makikita dito.

“#CasaEspiritu

Been a while mga kapitbahay. Just updating before the year ends.

White on white. Coz if not, what else could it be? ”, saad ng netizen na kinilalang si AbbiDash Espiritu, base sa kanyang pangalan sa Facebook.

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Mapapansin sa tahanan na ito ang pagkakaroon nito ng temang gold, white at kahoy, kung saan ang color pallete na ito ay tunay na napakaganda sa mata.

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Ayon pa sa netizen na si Abbi, ang mga kulay na ito ng Casa Espiritu ang isa sa mga talagang nagpaparamdam sa kanya na siya’y nasa loob ng kanyang sariling tahanan.

“I have been convincing myself to try other colors but I can’t deviate from this color palette. It is very calming and pleasing… Really feeds me that feeling of being home ”, aniya.

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Makikita na ang kulay ng dingding ng tahanan na ito ay nakukulayan ng puti, at maging ang TV stand nito ay puti rin ang kulay. Samantala, karamihan naman sa mga dekorasyon, tulad na lamang ng kurtina ay nakukulayan ng light brown, at ang ibang mga kagamitan ay may touch of gold naman.

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Photo credits: AbbiDash Espiritu | Facebook

Ibinahagi naman ni Abbi na 2-taon na siyang naninirahan sa tahanan niyang ito, na malayo sa siyudad, at ang paninirahan niya rito ay talagang ipinagpapasalamat niya, sapagkat ito ang matatawag niyang ‘perfect place’.

“It’s a great day and I just thought of sharing this today. Been 2 years now that I am living alone and away from Metro Manila and it’s something I always thank my old self for. Found the perfect place to reset, adjust my pace and continue my healing. I have never felt this good to be a stranger to anyone.

I don’t mind staying at home. Hangga’t may makukutinting sa bahay. Sinong relate? “, saad niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *