Mamangha sa Napaka-elegante at Sopistikadong Wooden-Themed House na Ito na Naipundar ng Isang Pamilya sa Bulacan

Makikita sa litrato ng mga magagarang mansyon na napakaraming iba’t ibang paraan upang magkaroon ng sopistikadong dating ang isang tahanan. Kung ang iba ay gumagamit ng magagarbong mga kagamitan at mwebles gaya ng chandeliers, mga mamahaling furnitures, kumikinang na tiles, at iba pa, ang iba naman ay pinipili ang monochromatic na kulay at minimalist na disenyo.

Bagamat talagang magkaiba ang dalawa, parehong kanais-nais at elegante ang mga disenyong ito.

Para naman sa grupong nagdisenyo ng bahay na ito na Beehive Designs, siniguro nilang mayroong balanse ng mga magagarang disenyo gayundin ng mga simple ngunit eleganteng dekorasyon ang bahay na ito. Isa nga sa pinaka-importanteng elemento ng bahay ay ang iba’t ibang disenyo, mwebles, at parte ng bahay na gawa sa kahoy.

Karamihan sa mga modernong disenyo ng mga tahanan ngayon ay mayroong kombinasyon ng iba’t ibang materyales gaya ng kahoy at konkretong materyales. Sa kabila nito, napakamalikhain pa rin ng mga designer ngayon dahil makikita pa rin ang mga kakaibang disenyo gamit ang mga nasabing materyales.

Photo credits: Bambi Gallego | Facebook Group Home Buddies

Para nga sa bahay na ito, ibinahagi ng designer ang dining space, kitchen, at staircase na talaga namang napakaganda. Kapansin-pansin sa dining area ang six-seater na wooden dining table.

Photo credits: Bambi Gallego | Facebook Group Home Buddies

Talaga namang agaw-pansin ito dahil sa kakaibang mga upuan na bagay na bagay sa espasyo. Maaliwalas din ang lugar dahil sa kakaibang ilaw na inilagay rito. Upang makatipid naman tuwing umaga ay maaaring buksan ang sliding glass door sa parteng ito ng bahay.

Photo credits: Bambi Gallego | Facebook Group Home Buddies

Open din ang layout ng bahay na ito kaya naman mula sa dining area ay mapupuntahan ang kusina. Sa gitna ng espasyong ito ay makikita ang isang four-seater island counter.

Photo credits: Bambi Gallego | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Bambi Gallego | Facebook Group Home Buddies

Maaari itong magamit sa paghahanda ng pagkain o bilang karagdagang dining table. Bukod dito ay mayroon ding L-shaped counter kung saan makikita ang sink, working area, at mga kabinet sa itaas at ibabang bahagi. Makikita rin sa magkabilang bahagi ng counter na ito ang mga appliances gaya ng refrigerator at oven.

Photo credits: Bambi Gallego | Facebook Group Home Buddies

Mula naman dito ay makikita ang isang espasyo na mayroong wooden wall. Mayroon itong isang painting at iba’t ibang palamuti. Ang staircase naman ng bahay ay gawa rin sa kahoy.

Photo credits: Bambi Gallego | Facebook Group Home Buddies

Upang magkaroon naman ng karagdagang dekorasyon sa bahay ay ginamit ng mga designers ang ilalim na bahagi ng hagdan para mailagay ang ilang halaman.

Photo credits: Bambi Gallego | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Bambi Gallego | Facebook Group Home Buddies

Walang duda na talagang elegante ang disenyo ng bahay na ito at hindi malayong maging inspirasyon din ito ng iba na nais magkaroon ng parehong disenyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *