May iilan sa atin na mas nais magkaroon ng tahanan na makulay kaya naman hindi na bago sa atin ang makakita ng mga tahanan na mayroong kombinasyon ng tatlo o higit pang kulay.
Sa kabila nito, may iilan naman na nais magkaroon ng simple at neutral lamang na mga kulay para sa kanilang tahanan habang ang iba naman ay gustong magkaroon ng mas simple pang tahanan na mayroong klasiko at puting kulay gaya na lamang ng bahay na ito.
Sa labas pa lamang ng bahay ay mapapansin na ang kulay puting tema ng bahay na ito. Kakaiba rin ang disenyo ng gate at ng mismong bahay lalong-lalo na at kapansin-pansin ang roof deck nito. Sa loob naman ng mismong property ay makikita ang isang simpleng grotto at garden gayundin ang porch.
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Pagdating naman sa loob ng tahanan ay makikita pa rin ang neutral na color palette ng buong bahay. Sa living room ay makikita ang puting dingding at mga kurtina ngunit upang magkaroon ng kakaibang kulay ang silid ay gumamit sila ng tiles na mistulang gawa sa kahoy. Ganito rin ang makikita sa dining area.
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Isa naman sa talagang kapansin-pansin rito ay ang mga nagagandahang dining chairs na talaga namang nakakadagdag sa pagiging elegante ng lugar.
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Kahanga-hanga rin naman ang kusina ng bahay na mayroong sapat na storage space dahil sa napakaraming kabinet nito. Pagdating naman sa disenyo ay pasok na pasok pa rin ito sa tema ng bahay.
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Kung mayroong wood accents ang common spaces na ito ay makikita naman ang iba’t ibang elemento sa mga kwarto na kulay gray. Bukod dito ay mayroon ding eleganteng chandelier ang espasyo. Kapansin-pansin din na mayroong sariling bathroom ang kwartong ito gayundin ang isang loft.
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Walang duda na talagang maganda ang bahay na ito. Lalo pang kahanga-hanga hindi lamang ang bahay at ang mga designers ng bahay kundi pati na rin ang mismong homeowner ng bahay dahil naipatayo niya ang lahat ng ito sa loob lamang ng apat na buwan.
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Photo credits: Susan Roque | Homebuddies
Dahil dito, talagang ipinagmamalaki niya itong ibinahagi sa social media upang magbigay rin ng ideya at inspirasyon sa iba na nais rin magkaroon ng napakagandang tahanan.