Isang Working Student na Nagsimula lang sa Puhunan na Php500 para sakanyang Ukay Business, Isa na Ngayong Ukay “Bale” Supplier na may Sariling Warehouse at Shop

Isang working student ang hinangaan ng marami ngayon, dahil sa kabila ng kanyang napakabata pang edad ay nagawa niyang maging isang matagumpay na entrepreneur, dahil sa kanyang kasipagan at pagiging madiskarte.

Para sa dating working student na si John Lester Tolentino na mula sa Puerto Princesa Palawan, masasabing hindi madali at talagang napaka-challenging ng kanyang buhay, sa kabila nito ay kanyang pinatunayan na kaya ng isang tulad niya ang maging matagumpay sa larangan ng pagnenegosyo.

Photo credits: JL Tolentino II | Facebook

Ayon kay John Lester, sa kabila ng mga pinagdaanan niyang hirap, ay masasabi niyang dahil sa kanyang sipag at tiyaga kaya niya nagawang maging matagumpay sa negosyong ukay. Ang nakaka-inspire at nakakabilib niyang kuwento ng tagumpay na ito ay ibinahagi niya kamakailan lamang sa Facebook page ng Chinkee Tan, kung saan talagang nag-viral ang kuwento niyang ito dahil sa napakaraming humanga at bumilib sa natamo niyang tagumpay.

Photo credits: JL Tolentino II | Facebook

Pagbabahagi ni John Lester sa post niya para kay Sir Chinkee, ang kanyang negosyong ukay-ukayay sinimulan niya sa puhunan lamang na Php500. Saad pa niya, nagre-retail lang siya noon ng mga ukay-ukay at binebenta ito sa presyong gusto niya.

“Isa po akong dating working student na ngayon ay isa na pong young entrepreneur dito sa Puerto Princesa City, Palawan. Nagstart lang po ako sa puhunan ko dati na 500 pesos, Nagre-retail lang po ako ng mga ukay-ukay at nabebenta ko siya sa presyo na gusto ko”, saad niya.

Pag-amin naman niya, tulad ng ibang mga entrepreneur ay dumaan din siya sa mga challenges, tulad ng pag-fail ng ilang beses. Sa kabila naman ng mga ‘failure’ niya, ay nagpatuloy pa rin siya, dahil ang naging motibasyon niya ay ang kagustuhan niyang mabigyan ng maayos na buhay sa hinaharap ang kanyang pamilya.

Photo credits: JL Tolentino II | Facebook

“Nalugi din po ako, pero nagpatuloy pa din ako. Mahirap sa umpisa, dahil ang dami ko pong mga napagdaanan bago ko marating kung anong katayuan ko ngayon.” “Pero ang alam ko lang, kapag may pangarap ka sa buhay at pangarap para sa pamilya mo gagawin mo ang lahat,” ani pa ni John Lester.

Dahil sa sipag, tiyaga at diskarte ni John Lester, ngayon ay inaani na niya ang lahat ng bunga ng kanyang pagsisikap, sapagkat mula sa pagiging isang reseller lamang ng ukay-ukay, ngayon ay isa na siya sa mga nagsu-supply ng mga bales sa mga nagnenegosyo ng ukay-ukay at ang nakakabilib pa ay mayroon na din siyang sarili niyang warehouse.

Photo credits: JL Tolentino II | Facebook

Photo credits: JL Tolentino II | Facebook

Sa pagiging matagumpay ni John Lester sa kanyang pag-uukay, ay unti-unti na din niyang nakakamit ang pangarap niya para sa kanyang pamilya. Nakabili na siya ng magarang sasakyan para sa pamilya, at lupa kung saan nila ipapatayo ang kanilang dream house.

“Kaya po ngayon isa na po akong supplier ng mga ukay bales at may sariling bodega dito sa palawan at nagsu-supply ng mga ukay bales sa iba’t ibang lugar. Meron na din po akong physical shop at mga sasakyan na binigay ko sa aking ama at sariling mga lupa at ngayon po ay uumpisahan na din namin ang aming dream house”, pagbabahagi pa ng binata.

Photo credits: JL Tolentino II | Facebook

Mababasa naman sa huling bahagi ng post ni John Lester ang pasasalamat niya kay Sir Chinkee dahil sa naging pag-guide nito sa kanya sa business venture.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *