Isang Single Mom na OFW na Dating Nakatira lang sa Isang Bahay Kubo, Proud na Ibinahagi ang Naipundar na Simpleng Bahay at 1 Ektaryang Lupain Bilang Pang Kabuhayan

Ang makapag-ipon at magkaroon ng sariling maayos at kumportableng tahanan ang isa sa mga dahilan ng mga kababayan nating OFW kaya pinipili nilang makipagsapalaran sa ibang bansa, lalo na kung walang magandang oportunidad na dumarating sa kanila sa pananatili nila sa ating bansa.

Tunay na hindi madali ang maging isang OFW, dahil maliban sa ibang lahi ang makakasaluha mo, ay malayo ka pa sa pamilya mo. Sa kabila nito napakarami pa rin ang mga Pinoy ang nakikipagsapalaran na mangibang bansa dahil sa ito ang nakikita nilang magandang oportunidad para matupad nila ang kanilang mga pinapangarap para sa kanilang pamilya, kabilang na dito ang pagkakaroon ng mas maayos at kumportableng tahanan.

Samantala, kamakailan lamang ay naibahagi ng Kami ang nakaka-inspire na kuwento ng isa nating kababayang OFW na isa ring single mom, na kinilalang si Christina Cogonon Patorio.
Si Christina ay isa lamang sa mga kababayan natin na lumaking ang tinitirhan ay isa lamang bahay kubo, kaya naman pinangarap niya ang magkaroon ng tahanan na kahit simple basta’t mas magiging kumpotable at presentante.

Photo credits: Kami.com.ph

Kuwento niya sa Kami, siya’y 6 na taon ng nagtatrabaho bilang domestic helper sa bansang Kuwait. Saad pa niya, siya ay mayroong dalawang anak, ang panganay ay may asawa na at kasalukuyan namang nag-aaral sa kolehiyo ang bunso.

Photo credits: Kami.com.ph

Sa Kami ay proud na ibinahagi ng single mom at OFW na si Christina ang naipundar niyang simpleng tahanan na katas ng pagtatarabaho niya sa Kuwait. Ibinahagi din niya ang rason kung bakit simpleng bahay ay masaya na siya.

“Dati bahay kubo lng ngayon, naka pagawa ako ng simpleng bahay na matibay. 2 kwarto, may sala, dining area, kitchen, at 1 bathroom. Simple lng kasi sabi ko darating ang panahon na yung bunso ko mag aasawa siya at hindi ko alam kung saan ang swerte niya. Maiiwan akong mag isa sa bahay. Mabuti na yung maliit at least kahit hindi na ako makatayo, makaka gapang ako punta ng kusina, maka luto at maka kain ako,” saas ni Christina sa Kami.

Photo credits: Kami.com.ph

Ayon kay Christina sa tulad niyang isang single mom at nababatid na darating ang panahon maari siyang maging mag-isa sa bahay lalo na kapag nag-asawa na din ang bunso niyang anak, kaya naman mas mainam na ang maliit kung saan siya mas madaling makakatayo o makakapagapang kapag siya’y matanda na. Saad pa niya, ang mahalaga lamang naman ay mayroong kuwarto, sala, kusina, dining area, at bathroom ang isang bahay, kaya masaya siya sa tahanan na naipundar niya.

Photo credits: Kami.com.ph

Maliban naman sa kanyang bahay na naipundar ay proud din na ibinahagi ni Christina na nakabili din siya ng 1-hektaryang maisan at ito ay nakapag-ani na. Saad pa niya, mas gusto niyang magpundar ng pangkabuhayan kesa sa bonggang bahay.

Photo credits: Kami.com.ph

Photo credits: Kami.com.ph

Isa naman umano sa talagang pinagtatrabahuan niya ng husto ngayon ay ang masustentohan ang pag-aaral ng kanyan anak, dahil batid niya na tanging edukasyon lamang ang maipapamana niya rito.

“Mas priority ko ang pangkabuhayan kaya para saakin hindi ko kailangan ng bonggang bahay. Mapagtapos ko lang ang aking anak sa college ok na ako kasi wala akong yaman na maipana sa kanila kundi ang edukasyon lamang na hindi manakaw ng kahit na sino,” dagdag ni Christina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *