Isang Pamilya, Ipinasilip ang Kanilang Tiny House sa Probinsya na Napapalibutan ng mga Pananim na Gulay at Alagang Hayop, May Fish Pond din Sila

Ilan sa atin ang nangangarap ng munting tahanan, na nakatirik sa isang mala-paraisong lugar, kung saan doon ay makakapamuhay tayo ng simple kasama ang ating buong pamilya. Isang tahanan na napapalibutan ng iba’t ibang mga pananim na maaring maging pagkain ng ating pamilya, at mga alagang hayop na makapagbibigay din sa atin ng mga produktong maarin nating mapakinabangan sa araw-araw.

Samantala, sa Facebook community page na Home Buddies, ay isang misis ang kamakailan lamang ay proud na ipinasilip ang kanilang napakaganda at nakaka-relaks na tahanan, na nakatirik sa isang mala-paraisong lupain. Ang tahanan nilang ito, ay isang tiny house inspired na may sukat lamang na 18sqm ang loob, 18 sqm ang balcony at 9sqm na loft na siyang dagdag tulugan.

Photo credits: Rhoda Cua

“Pinangarap ko din magpost ng something to inspire.  “Eto na ang aming munting paraiso. Tiny home inspired ang bahay. 18sqm ang loob plus another 18sqm na balcony. May 9sqm na loft, dagdag tulugan”, ang naging pagbabahagi ng misis na si Rhoda Cua sa Home Buddies.

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Makikita sa mga larawan na kanyang ibinahagi ang kanilang munting tahanan, na mayroong modernong disenyo sa kabila ng hindi ito kalakihan. Ang modernong tahanan nila na ito ay tunay na napakaganda at nakakarelaks na tirhan, kung saan ito ay balcony tapos may sliding door at ang mga bintana ay naka sliding glass.

Photo credits: Rhoda Cua

Kung kamangha-mangha sa ganda ang kanilang munting tahanan na ito, ay mas nakakamangha naman ang kapaligiran nito, na tila mala-paraiso.

Photo credits: Rhoda Cua

Nakatirik ang tahanan nilang ito sa isang lugar na napapaligiran ng mga luntiang pananim at mga puno. Ang kagandahan pa nito, ay ang pagkakaroon nila dito ng isang bakuran kung saan matataguan ang mga tanim nilang mga gulay.

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Ipinagmamalaki ding ipinasilip ni Rhoda ang kanilang manukan na maraming mga manok, at ayon sa kanya, ay malaking tulong sa kanila dahil hindi na nila kailangan pang bumili ng itlog kundi ito’y iha-harvest na lamang nila.

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Maliban pa sa kanilang manukan, ay mayroon din silang fish pond, kung saan naman sila nakakahuli ng mga preskong isda.

Photo credits: Rhoda Cua

Pagbabahagi naman ni Rhoda, ang malaparaisong tahanan nilang ito, ay tinawag nilang Eden Faith Garden, kung saan ang FAITH ay nangangahulugang “Food Always In The Home.”

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Photo credits: Rhoda Cua

Tunay namang napakasarap manirahan sa ganitong tahanan, dahil sa malaparaiso nitong kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *