Isa sa pinakanauusong tema ngayon ng tahanan ay ang temang puti at kahoy, kung saan napakaraming mga homeowners ang talagang nasisiyahan at naaaliw kapag sa loob ng kanilang tahanan ay naisagawa nila ang pagkakaroon ng temang ito dahil sa tunay namang hindi lang malinis tingnan ito, kundi napakaganda pa lalo na sa loob ng isang tahanan.
Halimbawa na lamang nito ang tahanan na ibinida nito lamang nakaraan sa Facebook community page na Home Buddies, kung saan ang tahanan na ito ay hindi man ganun kalaki, ay napakaganda naman nito pagmasdan dahil sa pagkakaroon nito ng temang kahoy at puti.
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Ang homeowner na si Athan Pontillas ang nagbahagi ng naturang tahanan, kung saan ayon sa kanya, ito ay tahanan ng kanyang pamilya. Saad niya, ang tahanan nilang ito, ay bagong renovate, at talagang nagustuhan nila ang naging magandang resulta ng renovation, kung saan ang ibang mga ideya umano lalo pagdaring sa pag-aayos ng interior nito ay nakuha nila sa kanilang mga virtual kapitbahay sa Home Buddies community page.
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Tunay namang napakaganda ng tahanan na ito nina Athan, dahil sa mga larawan na kanyang ibinahagi ay masisilayan kung gaanong bumagay sa ayos ng kanilang tahanan ang tema nitong kahoy at puti.
Mapapansin na ang tahanan nilang ito ay open, kung saan pagpasok mo, ay agad na bubungad ang living area at masisilayan na din ang dining at kitchen area. Masasabing puti at kahoy talaga ang tema ng tahanan na ito, dahil sa dining area lamang ay agad ng makikita ang 4-seater dining table na ang mga upuan ay kulay puti, samantala ang pinakataas ng dining table nito ay kahoy ang pinakadisenyo.
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Isa din sa mga agaw-pansin sa dining area ay ang dekorasyon nito sa wall, na mga frame na may disenyong mga dahon na nakukulayan ng ginto.
Makikita naman na sa kitchen at dining area ay isang counter naman ang nasa pagitan, at ito ay nakukulayan ng puti, samantala ang mga dalawang stool chair na naririto ay nakukulayan naman ng cream na bumagay pa rin sa tema ng kanilang tahanan.
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Ang kitchen area, ay napakalinis naman talagang tingnan dahil sa tema nitong puti, ngunit hindi rin nawala dito ang temang kahoy, dahil ilan sa mga kagamitan at abubot dito ay may accent na kahoy, tulad na lamang ng mga takip ng seasoning jar.
Hindi rin naman nagpahuli sa pagkakaroon ng temang puti at kahoy ang bathroom area ng tahanan na ito. Ang bathroom area ay may modernong mga kagamitan, tulad ng toilet bowl at sink.
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Ang temang kahoy naman sa bathroom ay masisilayan, lalo na sa may bandang shower area kung saan ang wall, ay nakatiles ng wood ang disenyo.
Christmas feels na din sa living area ng tahanan na ito, dahil sa Christmas tree na dekorasyon dito. Mapapansin din na kahit hindi ganun kalawak ang living area, ay saktong sakto naman dito ang isang l-shaped sofa na kulay brown.
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Photo credits: Athan Pontillas | Facebook
Napakaganda naman talagang puti at kahoy na tema sa isang tahanan, dahil kahit na simple lamang ito ay nagmimistula itong elegante.