Isang Nanay, Umani ng Paghanga Matapos Niyang Ibahagi ang 33 sqm. na Bahay na Kanilang Naipatayo

Sa panahon ngayon, importante ang pagiging malikhain, mapamaraan, at madiskarte upang makamit natin ang ating mga pinapangarap. Ganito nga ang ginawa ng isang nanay na mayroong Facebook username na Anj Soriano upang maipatayo ang simpleng tahanan ng kanilang maliit na pamilya.

Unang ibinahagi ni Anj ang napakagandang bahay na ito sa isang kilalang Facebook group na Home Buddies. Matapos nito ay umani nga ng paghanga at iba’t ibang positibong reaksyon ang bahay na ito. Hindi rin naman ito nakapagtataka dahil talaga namang napakaganda ng naging resulta ng pagpapatayo ng kanilang bahay.

Maging si Anj mismo ay talaga namang kuntento sa bahay na ito. Ayon nga sa kaniya, siya mismo ang nagdisenyo ng bahay na ito at talagang nakakuha siya ng inspirasyon mula sa nasabing Facebook group. Isa rin ito sa mga pangarap na kaniyang natupad sa taong ito kaya naman nais rin niyang magbahagi ng inspirasyon sa ibang nagnanais na maging homeowner.

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Talaga nga namang maganda ang pagkakadisenyo ni Anj sa bahay na ito dahil bagamat limitado lamang ang sukat ng bahay ay mukha pa ring elegante ang dating nito. Isa nga sa posibleng dahilan ng pagiging elegante ng lugar ay ang black and white na tema ng disenyo nito. Gumamit rin si Anj ng marmol para sa kanilang tiles, granite para sa kanilang countertop, at maging mga kakaibang ilaw at chandelier sa iba’t ibang bahagi ng bahay.

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Sa living room ay makikita ang isang kulay itim na couch at isang napakalaking telebisyon. Naglagay rin dito si Anj ng isang malaking salamin upang magmukhang mas malawak ang espasyo. Sa dining area naman ay makikita ang isang simpleng three-seater dining table.

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Upang magamit nang husto ang espasyo sa bahaging ito, naglagay rin si Anj ng isang rack at floating cabinet na maaaring mapaglagyan ng iba’t ibang kagamitan, supplies, at condiments. Gaya ng dining space ay limitado rin ang espasyo sa kusina ngunit makikita na ang bawat sulok ay talagang nagamit nang maigi.

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Kumpara naman sa mga silid na nabanggit ay malawak ang espasyo ng palikuran ng bahay. Mayroon din itong black and white na tema at kakaibang mga kagamitan. Mula naman sa unang palapag ng bahay ay mapupuntahan ang loft sa pamamagitan ng isang spiral staircase na talaga namang nakatipid sa espasyo.

Ang loft space na ito ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang isa ay para sa master’s bedroom at ang ikalawang bahagi naman ay para sa kwarto ng kanilang anak. Elegante rin ang disenyo ng master’s bedroom samantalang ang kwarto naman para sa kanilang anak ay mayroong superhero na tema. Bagay na bagay ang kwartong ito para sa kanilang anak dahil sa mga ulap na disenyo sa kisame nito.
Dahil sa mga litratong ibinahagi ni Anj, maiintindihan kung bakit talagang ipinagmamalaki at ikinatutuwa niya ang proyektong ito.

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Ibinahagi rin niya na mula lamang sa online shops ang ilan sa mga kagamitan ng bahay.

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Photo credits: Anj Soriano | Facebook Group Homebuddies

Dahil dito, hindi na rin nakapagtataka kung marami ang magkaroon ng ideya at inspirasyon mula rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *