Humanga sa One-Storey Modern House na Ito na Nagkakahalaga ng PhP1.3 Million

Kung titingnan mula sa labas ay masasabing simple lamang ang bahay na ito ngunit kung titingnan sa malapitan ay mapapansin ang iba’t ibang detalye na talagang nagpapaganda sa bahay na ito.
Sa labas ng bahay ay makikita nga ang simpleng hugis ng bahay at ang napakagandang porch nito.

Mukha itong elegante dahil sa magandang tiles na napili ng homeowners para dito. Mayroon ding sapat na espasyo ang porch na ito kung saan maaaring makapaglagay ng isang sala set o mga benches at mesa.

Dahil dito, masasabi na perpekto ang lugar na ito hindi lamang bilang pahingahan kundi bilang receiving area para sa mga bisita ng pamilya o bilang espasyo sa tuwing nais nilang makapag-bonding sa isa’t isa.

Mula naman sa porch ay maaaring matanaw ang living area ng bahay dahil sa mga floor to ceiling na glass windows na nakapalibot dito. Pagdating nga sa loob ng mismong bahay ay sasalubong nga ang isang simpleng living area. Upang magkaroon ng kakaibang disenyo ang lugar, naglagay ang mga may-ari ng brick wall sa likod ng kanilang telebisyon.

Mayroon namang espasyo patungo sa comfort room at mga kwarto na talaga namang napaka-elegante dahil sa kakaibang mga tiles at chandelier na makikita rito. Sa kabilang dako ng espasyo ay makikita ang kusina na bagamat simple ay talagang napaka-organisado.

Mayroon itong sapat na counter space para sa komportableng paghahanda ng mga makakain ng pamilya at katamtamang bilang ng storage spaces para sa iba’t ibang kagamitan at supplies ng buong mag-anak.

Mula naman rito ay maaaring mapuntahan ang tatlong pribadong kwarto ng bahay. Ang bawat kwarto ay mayroong katamtamang laki kung saan kasyang-kasya ang isa hanggang dalawang tao. Bagamat simple lamang ang disenyo ng mga kwarto, maaari itong lagyan ng isang simpleng kabinet at mesa gayundin ng iba’t ibang mga palamuti.

Kinakailangan din na siguraduhing may sapat na ilaw sa mga kwartong ito upang masiguro na magiging maaliwalas dito sa buong maghapon. Talagang kahanga-hanga ang bawat parte ng bahay na ito ngunit sadyang nakakabilib ang dalawang comfort room ng bahay na kung titingnan ay maaaring maihalintulad sa mga comfort room ng mga hotel.

Sa kabuuan ay masasabing simple ngunit napakaganda ng bahay na ito dahil sa mga dekorasyon at materyales na ginamit para dito. Talaga namang sulit na sulit ang PhP1.3 million na nagastos upang maipatayo ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *