“From drab to fab” Lalaki Ipinasilip ang Napaka-Bonggang Transformation ng Kanyang Silid-Tulugan Matapos niya itong I-renovate

Ang ating silid-tulugan ang isa sa pinakamahalagang lugar sa atin, dahil dito tayo nakakapagpahinga ng maayos kapag galing tayo sa maghapong trabaho o pagiging abala sa kung anoman ang ating kabuhayan.

Sa loob ng ating tahanan, ay ito rin ang silid kung saan mas maraming oras ang ating nailalagi, dahil dito tayo natutulog at nakakapagmuni-muni kapag nais nating mapag-isa.

Marahil lahat tayo ay nangangarap ng isang kumportable at magandang silid-tulugan, kaya naman paniguradong nagiging inspirasyon sa atin kapag tayo’y nakakakita ng mga magagandang silid-tulugan na talagang tila napakasarap tulugan at tambayan.

Samantala, tulad natin ang lalaking si Nelo Coloma ay isa lamang sa mga nangangarap noon na magkaroon ng magandang tulugan na naayon sa kanyang gustong disenyo.

Pinapangarap lamang noon ni Nelo ang silid-tulugan na mala-hotel ngunit ngayon ito ay natupad na niya matapos ang ginawa niyang renovation dito.

Simple lamang ang dating silid-tulugan ni Nelo, kung saan ang sahig nito ay hindi tiles, walang pinta ang dingding, at halos kurtina lamang ang nagbigay ng kulay dito.

Nagkaroon si Nelo ng oras na pagandahin ang kanyang silid-tulugan nung panahon ng quarantine, kung saan noong una ay ang mag-DIY lamang ang naiisipan niyang gawin para pagandahina ang kanyang silid.

Kalaunan ay kanyang napagtanto na hindi madali ang magpintura ng dingding kaya mas minabuti na lamang niya ang kumuha ng dalawang karpentero na makakatulong sa kanyang ma-achive ang gusto niyang mangyaring pagbabago sa kanyang silid.

Makikita naman sa mga larawang ibinahagi ni Nelo ang napakagandang resulta ng ginawang renovation sa kanyang silid, kung saan mula sa walang pintang mga dingding, ngayon ito ay napipinturahan ng greyish blue, at ang bandang dingding sa may bintana ay puti naman ang pinta.

Upang mas maging maganda at mala-hotel ang kanyang silid, ay minabuti ni Nelo na magdagdag ng ibang mga kagamitan, tulad ng paglalagay ng carpet, beddings at iba pa.

Sa mga larawan ay makikita na mula sa dating simple at parang walang buhay na silid-tulugan, matapos ang renovation, ay naging mala-hotel na ang ganda ng silid ni Nelo.

Isa sa mga nagpaganda sa silid niya ay ang accent light na inilagay niya rito, idagdag pa ang bagong flat-tv screen at accent wall clock. Tunay namang napakaganda ng naging resulta ng renovation ng silid na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *