Sa newest online show na “Welcome Kayo Dito”, na inilabas ng Star Magic, ay ipinasilip ng aktor na si Dominique Ochoa ang kanyang tahanan sa publiko.
Ang tahanan na ito ng aktor, ay apat na taon na nilang tinitirhan ng kanyang pamilya. Ito ay isang tahanan na ang disenyo ay pinaghalong modern at vintage, na talaga namang kaaya-aya tingnan.
Photo credits: starmagic | Youtube
Isa sa mga ipinasilip ni Dominique na bahagi ng kanilang tahanan ay ang kanilang dining area, kung saan makikita ang ilang mga produkto at kagamitan na ginagamit ngayon ng mag-asawa sa negosyong kanilang sinimulan ng magkaroon ng quarantine.
Photo credits: starmagic | Youtube
Sa naging pagpapasilip ni Dominique Ochoa sa kanilag dining area, ay ikinuwento rin ng aktor kung paano nila sinimulan ang kanilang negosyo na pagtitinda ng mga prutas, dips, ice cream, wagyu, at gourmet tinapa jars sa loob ng kanilang village.
Photo credits: starmagic | Youtube
Ayon sa Love Thy Woman actor, naisip nilang mag-asawa ang negosyong ito, upang sila umano ay maging produktibo habang naka-quarantine.
“Up, until now,it’s not safe to go to places especially ngayon, ang mga nakukuhaan talaga ng virus is ‘yung grocery, bangko. ‘Yan yung mga iniiwasan natin na puntahan. Kaya habang ganito pa ang sitwasyon – kung wala pang trabaho – nakapag-isip kami nig Misis ko na let’s try to be productive.”
Ayon pa kay Dominique, siya mismo ang nagdedeliver ng kanilang paninda, dahil ang kanilang mga buyers naman ay sa mismong loob lang ng kanilang village.
Para rin sa aktor, sa panahon ngayon ay dapat talagang maging produktibo ang sinoman, dahil hindi naman sa lahat ng oras ay aangal tayo at aasa na darating lang ang tulong at biyaya sa atin na wala tayong anumang ginagawa para sa ating mga sarili.
“We chose to be productive. Hindi naman pwede yung puro na lang tayo angal, kasi hindi naman tayo tutulungan ng Diyos kung hindi natin tutulungan an gating sarili”, saad nga ng aktor.
Balik naman tayo sa tahanan ng aktor, kung saan ay talaga namang napaka-aliwalas tingnan at tirhan dahil sa mga iba’t ibang luntiang halaman na makikita rito.
Photo credits: starmagic | Youtube
Photo credits: starmagic | Youtube
Photo credits: starmagic | Youtube
Ipinakita rin ng aktor ang koleksiyon niya ng mga sasakyan na nasa kanilang garahe, na talaga namang magagara.
Ilan nga sa mga vintage cars na koleksiyon ng aktor ay ang 1968 Volkswagen Beetle convertible, 1978 Ford Escort, 1995 all-original Range Rover, 2018 Vios Cup Car at ang isang sasakyan na di umanoy sasakyan pa ng aktor noong siya ay nasa kolehiyo at itinuturing niyang kanyang “lucky car.”
Photo credits: starmagic | Youtube
Photo credits: starmagic | Youtube
Photo credits: starmagic | Youtube
Photo credits: starmagic | Youtube
Photo credits: starmagic | Youtube
Photo credits: starmagic | Youtube
Photo credits: starmagic | Youtube
Biro nga ng aktor, ang mga sasakyan niyang ito ang pinagseselosan ng kanyang asawa.
Bilang tahanan ng isang artista, makikita rin sa tahanan nina Dominique Ochoa, ang magaganda at magagarang kagamitan sa bahay.