Bahay na may Sukat na 110sqm at may Tatlong Silid-Tulugan Kahanga-hanga ang Disenyong Simple Ngunit Elegante, Naipatayo sa Halagang Php1.6M

Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng ating sariling tahanan, lalo na kung sa kasalukuyan ay naninirahan pa tayo sa ating mga byanan o di kaya naman tayo ay nangungupahan. Bawat isa sa atin ay patuloy na nagsisikap para mabigyan ng katuparan ang pangarap nating tahanan, at nagiging inspirasyon pa natin sa pagtupad nito ang iba’t ibang mga magagandang tahanang ating nakikita.

Samantala, isang tahanan naman ngayon ang ating ibibida. Ang tahanan na ito ay simple at eleganteng tingnan, kung saan ito ay may sukat na 110sqm at mayroong tatlong silid-tulugan.

Makikita sa mga larawan na ang tahanan na ito ay pasok din sa mga modernong disenyo ngayon, ang dalawang flat roof nito ay naka-set ng angle sa isa’t isa, na nagbigay ng magandang dating sa moderno nitong disenyo. Ang tahanan ding ito ay may maliit na balkohane sa harapan nito, na ang dating ay tila nang-aanyaya.

Ang tahanan na ito ay mayroong pinta na abo sa labas na mas nagkaroon pa ng kaaya-ayang dating ng lagyan ito ng red accent. Pagdating naman sa mismong loob ng tahanan, ay mapapansin na ito ay mayroong white na pinta, na mas nagbigay dito ng maaliwalas na dating at mas nagpalapad pa dito tingnan.

Mapapansin naman na ang pintang abo na may mas matingkad na kulay na nasa exterior ng tahanang ito ang siyang ginawang base. Mas naging elegante at moderno ding tingnan ang tahanan na ito dahil sa glass window nito na mayroong dark frame na siyang nagpaganda ng contrast nito at nagpatingkad sa pinta ng dingding.

Sa kabila naman ng hindi kalakihan ng tahanan na ito at may sukat lamang na 110 sqm, ang tahanan na ito ay mayroong compact floor plan na mayroong tatlong maaliwalas na silid-tulugan. Ang tahanan na ito ay mayroong pinta na puti ang dingding, kaya naman kahit anong kulay ng kurtina ang nanaisin ng home owner nito ay paniguradong babagay dito.

Tila naman ang homeowner ng tahanan na ito ay nag-stick lang sa grey theme, makikita ito sa ginamit na kurtina at pintuan ng bawat silid ng tahanan na ito.

Tunay namang napakaganda ng loob ng tahanan na ito, kung saan sa living area nito ay mayroong kulay abong sofa bed at sa tapat naman nito ay makikita ang multi-media cabinet.

Ang kusina naman ng tahanan na ito ay nasa likurang bahagi, at ito ay mayroong malawak na espasyo na kaya naman talagang makakagalaw ng maayos ang sinumang magluluto dito.

Maaari namang lagyan ng built-in cabinets ang L-shaped counter sa kusina ng tahanan na ito. Makikita rin sa may bahaging kusina ang banyo na sa kabila ng maliit ay mayroon pa rin itong wet at dry area.

Ang ganitong tahanan na simple ngunit may modernong disenyo at tatlong silid-tulugan ay nagkakahalaga ng Php1.6 milyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *