Alamin ang Nakakaantig na Kwento sa Likod ng Makulay na Mural na Ito na Gawa ng Isang Ama na taga Occidental Mindoro Para sa Kaniyang Anak

Kahit sinong magulang ay kayang gawin ang kahit ano upang mapagaan ang buhay ng kanilang mga anak. At talaga namang pinatunayan ito ng isang ama mula sa Magsaysay, Occidental Mindoro na si Epi Salazar.

Photo credits: Epi Salazar | Facebook

Masaya nga na namumuhay ang artist na si Epi kasama ang kaniyang maliit na pamilya. Isa rin sa kumumpleto sa kanilang pamilya at lalong nagpasaya kay Epi at sa kaniyang asawa ay ang pagdating ng kanilang unang anak na si Jhayce.

Photo credits: Epi Salazar | Facebook

Bagamat masaya ang mag-asawa, sadyang mayroong mga problema na susubok sa katibayan ng isang tao. Para nga kay Epi, ito ay noong madiskubre nila na mayroong cerebral palsy ang kanilang anak.

Photo credits: Epi Salazar | Facebook

Totoong nakakalungkot nga ito ngunit sa kabila ng pagsubok na ito, proud na proud pa rin si Epi sa kaniyang anak at itinuturing niya ito bilang isang malaking biyaya para sa kaniya at sa kaniyang asawa.

Kahanga-hanga ang naging disposisyon sa buhay ni Epi. Lalo pang kabibiliban ang tatay na ito dahil sa halip na malugmok sa problema at kalungkutan ay pinilit pa rin niyang pagaanin ang nararamdaman ng kaniyang unica hija.

Photo credits: Epi Salazar | Facebook

Isa nga sa mga naging solusyon ni Epi ay ang pagpapaganda ng kwarto ng kaniyang anak lalo na at dito siya namamalagi.

Photo credits: Epi Salazar | Facebook

Sa tulong ng isang karpentero, naglagay si Epi ng kisame sa kwarto ni Jhayce upang masiguro na komportable siya rito.

Sunod naman nilang pininturahan ng puting kulay ang dingding ng kwartong ito. Nang matapos nga ito ay nagsimula na si Epi sa kaniyang proyekto.

Photo credits: Epi Salazar | Facebook

Pumili siya ng makukulay at masasayang mga cartoon characters para sa mural na ito. Siniguro din niya na punong-puno ng mga character ang bawat sulok ng kwarto. Inilagay naman niya ang magiging kama ng kaniyang anak sa isang perpektong lugar upang lagi nitong makikita ang napakagandang muralp.

Photo credits: Epi Salazar | Facebook

Ilang araw din ang ginugol ni Epi para sa proyektong ito kaya naman talagang kahanga-hanga ang dedikasyon at pagmamahal na ibinibigay ni Epi para sa kaniyang anak.

Photo credits: Epi Salazar | Facebook

Inspirasyon si Epi para sa ibang magulang na nakararanas din ng mga pagsubok ngayon. Dahil sa proyektong ito ni Epi, nagsisilbi siyang ehemplo para sa iba na maging positibo lamang sa gitna ng anumang hirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *