“After 34 Years Napaayos din ang Bahay” Isang Pamilya Naisakatuparan ang Pangarap na Maiparenovate ang Kanilang Lumang Bahay na Halos Tatlong Dekada din nilang Pinangarap

Isang panganay na anak proud na ibinahagi ang nakaka-inspire na kuwento ng kanilang pamilya, kung saan magmula sa mala-studio type lang na laki noon ng kanilang tahanan, ngayon ay mayroon na silang ipagmamalaking tahanan na bukod sa malaki na at napakaganda pa.

Sa community Facebook page na Home Buddies, ay isa na namang nakaka-inspire na kuwento ang ibinahagi ng isang homeowners. Ibinahagi niya ang nakaka-antig na buhay nila ng kanyag mga magulang at kapatid, at kung papaano nilanabigyan ng katuparan ang kanilang pangarap na mas malaki, maganda at kumportableng tahanan.

“Disclaimer: Sorry for the long post, we have no other intention but to share Our StoryMahirap palang simulan I just wanted to share our family’s story. I’m a proud Ate of 3 siblings, after 34 long years napa-ayos din ang bahay thanks to my brothers and of course, our parents”, unang saad ng 34-taong gulang na si Michelle Lobiogo Ruiz.

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Tulad ng ilan sa atin, ay matagal na panahon din ang lumipas bago mabigyan ng pamilya ni Michelle ang pangarap nilang tahanan. Ayon nga kay Michelle, halos 34-taon ang lumipas baho nila napaayos ang kanilang tahanan.

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Sa kanyang post sa Home Buddies, ay ipinakita ni Michelle ang mga larawan ng kanilang napakaganda ng tahanan ngayon, na ayon sa kanya ay malayong-malayo sa dating hitsura nito na halos kasing liit lang ng isang studio-type. Ibinahagi din niya kung ano ang simple at masayang buhay nila ng kanyang pamilya, at kung paano nila nabigyan ng katuparan ang pangarap nilang tahanan na ito.

“We are thankful because our parents were both hardworking. For morethan 40 years, nag-aalaga ng baboy ang father namin sa iba’t-ibang farm. Mula pagpapakain, paglilinis ng dumi, pag-breeding ng baboy at iba pa nagawa na yata ni papa. Ngayon lang namin na-realize ng maging adult na kami na napaka-hirap pala ng trabaho ni papa. He’s the kind of father kasi na laging nakatawa, na parang ang simple lang ng buhay”, aniya.

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Kuwento ni Michelle, simple ang pamumuhay nila ng kanyang pamilya. Ang kanyang mga magulang ay parehong masipag, kung saan ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa iba’t ibang farm samantala isa namang mananahi ang ina niya. Saad pa niya, kahit mahirap lamang sila, ay masaya ang childhood nilang magkakapatid, dahil sa mapagmahal nilang mga magulang.

“Looking back, masaya ang childhood namin kahit mahirap lang kami. Yung tipong ang maririnig mo sa amin, Pa, baboy na naman ang ulam? Ang hirap diba (halos libre nalang kasi yun dahil sa farm). Si mama naman ay isang mananahi ng mga logo ng damit at ang wonder woman ng family. Wala na syang work pero mas marami syang pera sa amin, elementary graduate pero hindi mo mauutakan when it comes to money. Sobra ang pagka-street-smart”, saad pa niya.

Ibinahagi din niya na sa kabila ng ngayon ay hindi na nanahi ang kanyang ina, ngunit sa kabila nito ay may ipon ito dahil sa pagiging street-smart nito. Proud din niyang sinabi na kahit elementarya lamang ang natapos ng kanyang ina, ay hindi naman ito mauutakan pagdating sa pera.

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Samantala, ayon kay Michelle ang dati nilang tahanan ay maliit lamang, kung saan walang sariling kuwarto ang kanilang mga magulang. Dagdag na saad pa niya, dahil sa maliit nilang tahanan, hindi siya nagpapapunta ng mga klasmeyt niya sa kanila. Sa kabila naman nito proud siya at talagang masaya sila sa kanilangs simpleng pamumuhay, dahil kahit na maliit ang kanilang tahanan noon ay madalas na maraming tao rito, sapagkat madami silang mga kaibigan maging ang kanilang mga magulang.

“Realization, ngayon pa lang pala nagkaroon ng sariling room ang parents namin (tissue pls, bakit ba ko naiiyak nag-ku-kwento lang naman ako). Studio type lang kasi ang bahay before (see photos at the end). Yung makikita mo na yung kabuuan pagpasok mo. Before may maliit na dining table pa kami pero nung sumikip, sa sahig na ang dining namin.

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

I remember, nung highschool na ko nakaramdam ng hiya, hindi ko in-invite yung mga classmate ko sa bahay kasi maliit lang, kurtina lang ang pinto ng cr. Pero we are still very thankful. Kahit maliit ang bahay laging maraming tao, maraming kaibigan ang parents at kaming magkakapatid from before till now. We are grateful kasi naging masaya pa rin ang buhay kahit mahirap”, ani Michelle.

Makikita naman ngayon, sa mga ibinahaging larawan ni Michelle na malayo na ang hitsura at laki nito mula sa dati nilang tahanan. Sa mga larawan ay masisilayan ang napakaganda nilang tahanan na tila may temang white, gold at wood dahil sa mga kulay ng dingding, kisame at hagndanan nito.

 

Masaya ding ibinahagi ni Michelle na sa tahanan nilang ito ngayon, ay mayroon ng sariling silid ang kanilang mga magulang. Saad pa niya, ang tahanan na ito ay bunga ng pagsusumikap ng kanyang mga kapatid.

“Maraming salamat sa parents namin, despite everything, napagtapos pa rin po nila kaming magkakapatid.

Fast forward to this day, I would like to say thank you sa mga kapatid ko. Salamat sa inyo at mararanasan nila Papa at Mama na matulog ng mas maayos. Na magkaroon ng privacy after all these years. Alam nyo naman supporter nyo lang ako. Marami pang kulang pero in time magiging mas maayos at mas maganda pa ang bahay.

Happy birthday bunso isa ito sa magandang gift mo sa sarili mo. Tuloy-tuloy lang ang pag-susumikap. I am very proud of you. Always remember kung saan tayo nag-simula. Be humble and keep dreaming.”

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Photo credits: Michelle Lobiogo Ruiz | Facebook

Isang inspirasyon ang kuwento na ito ng pamilya nina Michelle, dahil tunay naman na gaano man kahirap ang ating buhay mas mainam na mumahay tayo ng simple’t masaya, at patuloy lamang na magsikap para sa ating pangarap, dahil walang imposible sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *