Xian Lim, Ibinahagi ang Bagong Mukha ng Kaniyang Sariling Tahanan na Naitayo pa Noong ’80s

Sa isang vlog na makikita sa YouTube channel ng sikat na aktor na si Xian Lim, ibinahagi niya sa kaniyang mga fans at subscribers ang isa sa kaniyang pinakabagong property. Ayon kay Xian, halos sampung taon na rin siyang naninirahan sa bahay na ito kasama ang kaniyang nanay at lola.

Ibinahagi rin ni Xian na noong dekada ’80s pa nang maitayo ang bahay na ito ngunit dahil talagang maganda pa ang istruktura nito, minabuti niya na panatilihin na lamang ito at ipa-renovate na lamang ang iba pang parte ng bahay. Hindi rin naman maipagkakaila na talagang maganda pa ang bahay kahit may kalumaan na ito.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Ayon nga kay Xian, tanging ang high ceiling lamang ang ipinagawa niya sa bahay na ito upang magmukhang malawak ang kanilang espasyo. Bukod dito, ang iba pang parte ng bahay at ang mga materyales nito ay parehong-pareho pa rin.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Dahil may kalumaan nga ang bahay na ito ay siniguro ni Xian na mayroon itong bago at modernong itsura. Isang paraan nga upang magawa niya ito ay ang kaniyang paggamit ng simple at neutral na mga kulay na talaga namang usong-uso ngayon.

Naglagay din siya ng moderno at kakaibang mga mwebles sa mga silid ng kaniyang bahay. Higit sa lahat, siniguro niyang mayroong open layout ang common areas ng tahanan na ito upang magmukhang mas malawak ang kanilang espasyo.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Dagdag pa rito, isa rin sa ipinagmamalaking ibinahagi ni Xian ay ang kaniyang attic na talaga namang perpekto bilang tambayan at pahingahan ni Xian o ng kaniyang mga bisita at kaibigan.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Talagang nagustuhan ng aktor ang bagong adisyon na ito sa kaniyang sariling tahanan dahil gusto niyang magkaroon ng isang espasyo o silid sa kaniyang bahay kung saan maaari siyang magsaya kasama ang kaniyang mga kaibigan. Bukod dito, natuwa rin si Xian sa naging disenyo ng lugar lalo na at pasok na pasok ito sa kaniyang mga kagustuhan. Ayon nga sa kaniya, nais niyang makakita ng iba’t ibang disenyo lalong-lalo na sa mga mwebles ng kwartong ito.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Walang duda na simple ngunit talagang maganda at elegante ang dating ng bahay ni Xian.

Repleksyon din ito ng kaniyang sariling style pagdating sa kaniyang personal na espasyo na pwedeng-pwede ring maging inspirasyon ng ibang homeowners na naghahanap ng ideya para sa kanilang sariling tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *