Lahat tayo ay mayroong kanya-kanyang dream house na pinapangarap nating maipatayo para sa ating pamilya, at isa ito sa mga nagiging dahilan at inspirasyon natin para mas lalo pang magsumikap sa ating trabaho, upang sa hinaharap kapag mayroon ng sapat na ipon ay tuluyan ng mabigyan ng katuparan ang pangarap na tahanan nating ito para sa ating pamilya.
Samantala, iba’t iba ang nagiging pamamaraan natin sa pagpapatayo ng ating dream house, ang iba ay mas pinipili itong ipatayo sa kanilang nabili o minanang lupain, at mayroon naman na iba, na mas piniling bigyan ng katuparan ang kanilang dream home sa pamamagitan ng pagpapa-renovate ng orihinal nilang tahanan na tinitirhan nilang pamilya.
Batid naman natin na ang pagpapa-renovate ng isang tahanan ay talaga namang hindi madali at malaking halaga din ang mailalabas natin, ngunit ang ganitong pamamaraan ang ginagawa ng iba dahil sa nagbibigay ito ng ‘more sense of fulfillment’ sa kanila, lalo na kung may sentimental value sa kanila ang ipapa-renovate na tahanan.
Photo credits: Phoebe Maligaya | Facebook
Isa sa mga halimbawa nito, ay kuwento ng inspirasyon ng magkakapatid na magkatulong sa pagbuo ng kanilang family dream home, matapos nilang ipa-renovate ang old house nilang pamilya.
Ibinahagi ni Phoebe Maligaya ang katuparan ng pangarap nilang dream house ng kanyang pamilya, na ayon sa kanya ay katas ng kanyang pagtatrabaho bilang OFW sa Taiwan, at sa tulong na din ng iba niyang kapatid na nagtatrabaho sa Maynila.
Photo credits: Phoebe Maligaya | Facebook
Kuwento ni Phobe, ang family dream house nilang ito, ay nabuo sa parehong espasyo ng kanilang lumang tahanan. Mas pinili kasi nilang magkakapatid na magsagawa na lamang ng major renovation sa luma nilang tahanan para mas maging eleganteng tahanan ito, imbis na bumili pa ng bagong lupain at doon ipatayo ang kanilang dream house.
Photo credits: Phoebe Maligaya | Facebook
Photo credits: Phoebe Maligaya | Facebook
Ayon pa kay Phoebe, isa sa mga pangarap niya na gusto niyang matupad kaya siya nakipagsapalaran sa pagiging isang OFW ay ang maipagawa ang pangarap niyang tahanan para sa kanyang mga magulang. Kaya naman talagang labis ang kasiyahan nilang magkakapatid ngayon, dahil sa kanilang pagtutulungan, heto na nga’t naipagawa na nila ang kanilang dream house.
Photo credits: Phoebe Maligaya | Facebook
Makikita sa larawan na ibinahagi niya, na ang kanilang lumang tahanan ay isang simpleng tahanan lamang na ang bubong ay yero at tila halos tumutulo na ang iba. Matapos naman ang isiinagawa nilang renovation sa tahanan nilang ito, ay makikita na ang naging malaking pagbabago, dahil mula sa isang simpleng tahanan, ngayon ay isa na itong napakagandang bungaloe house, na mayroong modernong disenyo, idagdag pa na ang bubong nito ay color roof na.
Photo credits: Phoebe Maligaya | Facebook
Photo credits: Phoebe Maligaya | Facebook
Photo credits: Phoebe Maligaya | Facebook
Proud naman talaga si Phoebe sa naging katas ng pagtutulungan nilang magkakapatid. Nag-iwan din siya ng payo sa lahat ng patuloy na nagsusumikap para sa kanilang pangarap.
“Literal na bunga ng pagsisikap,” saad niya.
Payo niya, “Patuloy lang po tayo mangarap dahil libre lang po mangarap at darating ang panahon unti-unti natin itong maaabot sa tulong ng Panginoon.”
Photo credits: Phoebe Maligaya | Facebook
Photo credits: Phoebe Maligaya | Facebook
Photo credits: Phoebe Maligaya | Facebook
Hindi biro ang halaga sa pagpaparenovate ng isang tahanan, dahil para ka na ring nagpagawa ng bagong tayong bahay. Karaniwan ang mga renovation ay umaabot din sa halagang Pho800,000 hanggang Php1-milyon, depende na din sa instilo, disenyo at materyales na ginamit sa ginawang renovation.