Tingnan ang Kamangha-manghang Transformation ng Isang Rooftop na Mula sa Dating Walang Buhay Ngayon ay Nakakarelaks at Napakaganda ng Tambayan ng Pamilya

Mayroon ba kayong rooftop sa inyong tahanan na halos hindi niyo nabibigyan ng pansin at wala pa kayong naiisip na ideya sa kung paano niyo ito pagagandahin? Sa ibibida nating rooftop ngayon, ay paniguradong makakakuha kayo ng ideya, dahil mula sa pagiging walang buhay na rooftop nito, ngayon ay isa na itong napakaganda at nakakarelaks na tambayan ng pamilya.

Sa Facebook community na Home Buddies isang netizens ang proud na ibinahagi ang larawan ng kanilang rooftop. Ilan sa mga larawan ay nagpapakita ng hitsura nito noon na halos walang kabuhay-buhay, at ang mga sumunod naman na larawan ay ang pagpapakita niya ng napakaganda at nakakarelaks ng ayos nito ngayon matapos ang ginawa nilang transformation dito.

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

“Hi Home buddies! Sharing our roof top transformation”, ang naging unang saad ng netizens na si Namieh Oya sa caption na kanyang inilakip sa mga larawan ng kanilang rooftop na ibinahagi niya sa naturang Facebook page community.

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Maliban pa dito, ay inilahad din niya sa kung ano ang dating kalagayan ng kanilang rooftop bago pa man nila ito ipa-renovate. Ayon sa kanya, plain lang ang rooftop nila noon at dahil dito tuwing umuulan ay madalas na nagkakaroon ng tulo sa kanilang sala kahit na ba nakailang water proofing na sila sa kanilang rooftop.

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Dahil sa madalas na pagtulo ng tubig sa kanilang sala na nagmumula sa rooftop nila, ay isa lamang ang naisip nilang solusyon para ito ay matigil na, at ito ay ang palagyan ito ng bubong.

“Plain lang dati yung roof top namin, kaya lang tuwing umuulan tumutulo hanggang sa living room namin sa baba. Naka-ilang water proofing na din kami pero hindi talaga nagpapaawat yung tubig. Ang choice lang namin ay magpa-bubong”, aniya.

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Batid naman natin na hindi biro ang magpabubong, kaya naman ayon kay Namieh, ay kinailangan pa nilang kumayod ng husto para makapag-ipon ng magiging budget para sa pagpapabubong nila sa kanilang rooftop. Noong nagkaroon na ng sapat na budget ay sinimulan na nila ang pagpapaayos ng kanilang rooftop at kasabay din umano nito ay ang pag-aayos din ng kanilang kuwarto.

Kaya lang back then, namamahalan ako sa bubong. Kaya kumayod pa kami para makaipon. Nung kaya na mapagawa ang roof top, sinabay namin yung room”, saad niya.

Labis naman nilang ikinamangha ang naging napakagandang resulta ng naging renovation at transformation ng kanilang rooftop.

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group 

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Ayon pa sa kanya, kung noon ay umaakyat lamang sila sa rooftop para magdilig ng mga halaman at magpa-araw, ngayon ay naging tambayan na ito ng kanilang pamilya.

Sa ganda ng pagkakaayos, mga disenyo at kagamitan sa rooftop nila ngayon, ay tila nga sila nasa isang bakasyon kapag naroroon sila, dahil sa napakagandang ambiance na taglay nito. Saad pa niya, dahil sa napakaganda at nakakarelaks na hitsura ngayon ng kanilang rooftop ay talaga namang gamit na gamit na ito nila ngayon ng kanyang pamilya.

Mas maganda pa pala kalalabasan. Happy kami sa roof top namin ngayon, kung dati umaakyat lang para magpaaraw at magdilig ng halaman ngayon instant tambayan at para kaming nakabasyon pag andun kami hehe. Mas gamit na gamit na ngayon.”

Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Namieh na mula sa dating rooftop nila na halos naging tambakan lang at walang kabuhay-buhay, ngayon ay napakaganda na nga nito. Isa sa mga mapapansin na pagbabago rito ay ang sahid nito na dating sementado lang, ngunit ngayon ay naka-tiles na.

kapansin-pansin din na napalagyan na nila ito ng bubong, at ayon sa isa sa mga naging sagot ni Namieh sa komento sa kanya, ang bubong nila sa rooftop ay full polycarbonate.

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Hindi nga lamang bubong at sahig ang nagbago sa rooftop nila, dahil makikita din na ito ay mayroon ng mga magagandang furniture na napakasarap tambayan. Nagbigay din ng buhay dito ang ilang mga hamalan at ang napakaganda at malaking Christmas tree dito.

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Ipinakita din niya ang naging pagbabago sa kanilang pool sa rooftop, na ayon pa sa kanya ay walang tubig ng kunan niya ito ng larawan.

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Tunay namang kamangha-mangha ang naging transformation ng rooftop na ito, at sinong mag-aakala na mula sa pagiging walang buhay nito, ngayon ay mayroon an itong nakakarelaks na ambiance kaya kinaaaliwan ng tambayan.

Photo credits: Namieh Oya / Home Buddies Facebook Group

Ayon naman kay Namieh ay umabot din sa Php1.3 milyon ang nagastos nila sa transfomartion na ito ng kanilang rooftop, at hindi umano kasama doon ang pool dahil ito ay gawa na noon pang taong 2016 at ipinaayos lang nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *