Team Kramer, Ipinasilip ang Kanilang Bagong Renovated na Lanai at Outdoor Area na Mas lalo pang Pinaganda

Isa ang Team Kramer sa mga pinakasikat na pamilya at influencer sa bansa. Bukas na bukas din ang pamilya nina Doug at Cheska Kramer sa kanilang mga fans. Sa tulong nga ng kanilang mga vlogs at social media posts ay naibabahagi nila ang mga kaganapan ng kanilang buong mag-anak.

Isa na nga rito ay ang pagpapatayo ng kanilang mansyon kung saan napakarami ang talagang humanga rito. Ngayon naman ay lalo pang pinaganda ng mag-asawa ang kanilang tahanan para sa kanilang mga anak at mga bisita.

Maituturing nga na bagong atraksyon ang lanai sa bahay na ito ng Team Kramer lalo na at talagang mas maganda na ito ngayon. Ibinahagi nga ito ni Doug Kramer sa kaniyang Instagram account.

Photo credits: team kramer | Youtube

Photo credits: team kramer | Youtube

Photo credits: team kramer | Youtube

Photo credits: team kramer | Youtube

Ayon sa kaniya, dating playground ang parte na ito ng kanilang property ngunit minabuti nila na gawin itong isang lanai. Perpekto nga naman ito lalo na at lumalaki na rin ang kanilang mga anak. Dagdag pa ni Doug, ilan sa kanilang mga plano ay ang maayos na paggamit ng espasyo na ito.

Photo credits: team kramer | Youtube

Nais din nilang maglagay ng mga ilaw at gumamit ng modernong mga disenyo. Bukod dito, siniguro din nila na mayroon silang espasyo para sa isang al fresco dining space upang talagang makakapag-enjoy sila sa kagandahan ng kanilang property.

Photo credits: team kramer | Youtube

Hindi rin naman nila nalimutan na maglaan ng karagdagang mga upuan lalo na at kinahihiligan nila ang pag-iimbita ng mga kaibigan. Dahil dito, siguradong magiging komportable ang kanilang mga bisita.

Photo credits: team kramer | Youtube

Photo credits: team kramer | Youtube

Bukod sa mga nabanggit, naglagay rin ng koi pond ang mag-asawa bilang karagdagang atraksyon. Matatanaw ito mula sa kanilang pergola kung saan maaaring makapagpahinga ang kanilang pamilya.

Photo credits: team kramer | Youtube

Sa bahaging ito rin ay makikita ang outdoor grilling station na talagang ikinatuwa ni Doug. Dahil kinahihiligan niya ang pagluluto para sa kaniyang pamilya, perpektong-perpekto ito sa tuwing gusto nila na magsalo-salo.

Photo credits: team kramer | Youtube

Hindi naman itinanggi ng dating basketball player ang kaniyang excitement sa lanai na ito. Ayon nga sa kaniya, siguradong marami silang mabubuo na magagandang alaala sa kanilang tahanan.

Photo credits: team kramer | Youtube

Hindi rin naman maitatanggi na marami ang hahanga sa bagong lanai ng Team Kramer kaya naman hindi na nakapagtataka kung gawin itong inspirasyon ng ibang homeowners na nais pang pagandahin ang kanilang sariling tahanan.

Major transformation for our outdoor areas!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *