Silipin ang Napakagandang Resulta ng Pinaghalong Kongkreto at Kahoy na Istilo ng Magarbong Bahay na Ito na may Kamangha-mangha at Maaliwalas na Panloob na Disenyo

Ang tahanan ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang indibidwal, ngunit sa pagbuo at pagpapagawa nito ay hindi nga naman simple dahil hindi basta may bahay ka lang na may bubong ay ayos na. Sa pagbuo ng tahanan ay kinakailangan na ito ay perpekto at gawa sa de kalidad na materyales, mas mainam din na ang mismong gusto mong disenyo ang masusunod dito dahil tunay namang napakasang manirahan sa talagang pangarap mong tahanan.

Samantala, isang malaki at magarbong tahanan naman ang ibibida natin ngayon, at panigurado na makakakuha kayo ng magandang ideya para sa inyong pangarap na tahanan. Ang tahanan na ito ay isang napakagandang inspirasyon, dahil sa perpektong istilo nito na pinaghalong kongkreto at kahoy.

Mapapansin sa magarbo at malaking tahanan na ito na mayroong istilo na mix wood at concrete na ito ay mayroong flat roof na hindi lang basta maganda ang istilo, kundi ito din ay economical. Makikita din na ang pinta ng tahanan na ito ay puti na may accent ng light grey. Kung isa ka naman sa mga hindi bet ang kulay na white sa tahanan, ay may option ka naman na palitan ang exterior color nito ng cream o light colors.

Ang tahanan na ito din ay mayroong modernong disenyo na tunay na kapansinpansin, at maaring i-upgrade ang stylish light fixtures nito para magmukhang contemporary home.

Hindi lang naman ang exterior ng tahanan na ito ang tunay na napakagara, dahil pagdating sa interior nito ay talaga namang mamangha ka, lalo na sa mga kagamitan dito na gawa halos lahat sa kahoy at ginawa lang modern para bumagay sa istilo at disenyo ng tahanan.

Isa pa sa nagbigay ng modernong dating sa tahanan na ito ay ang pagkakaroon nito ng mga naglalakihang bintana, na nagsisilbi ding daanan ng natural na liwanag kapag umaga.

Mayroong maliit na kusina ang tahanan na ito, ngunit sa kabila ng pagiging maliit nito ay napaka-stylish naman at maari din maglagay dito ng island, kung nais na magkaroon ng karagdagang space sa kusina.

Napakaganda din ng dining area ng tahanan na ito na ang mismong dining set ay gawa sa magandang klase ng kahoy.

Tunay na napakaganda ang tahanan na ito, at dahil sa pagkakaroon nito ng magara na wood features ay panigurado na ang ganitong tahanan ang isa sa mga pangunahing magiging inspirasyon niyo kapag kayo ay nagplano at bumuo na ng inyong sariling dream home.

Umaabot naman sa halagang Php2.8 milyon ang ganitong tahanan, at maaring mas malaki pa ang maging halaga depende na din sa laki, disenyo, at materyales na gagamitin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *