Silipin ang Napakagandang Modernong Family House ni Angelika Dela Cruz na Tinawag nilang “Casa Dela Cruz”

Ang aktres na si Angelika dela Cruz ay isa sa mga artistang sa showbiz na umiikot ang buhay. Taong 1995 pa lang ay nagsimula na ang karera niya bilang artista sa showbiz na kung saan ay pinatunayan ang kanyang kakayahan at husay sa pag-arte. Dahil nga sa kahanga-hangang talento sa pag-arte ay napakarami na niyang nagawang proyekto magmula nang pumasok siya sa showbiz hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, maliban naman sa pagiging isang mahusay na aktres, hindi rin maikakaila ang kanyang galing sa pag-awit. Sa katunayan nito, sa edad na 13 taong gulang ay ipinapamalas na niya ang kanyang galing sa pag-awit.

At ngayon nga, ay abala rin ang aktres sa pagiging Kapitana ng Barangay Longos sa Malabon. Samantala, hindi naman nakakalimot si Angelika na magbigay ng updates sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang mga vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel.

Photo credits: angelikadelacruz | Youtube Channel

At kamakailan nga, ay tinupad niya ang hiling ng kanyang mga tagahanga na house tour sa kanilang napakagandang bahay na tinatawag nilang “Casa Dela Cruz.” Ito nga ang bahay kung saan silang magkakapatid lumaki.

Photo credits: angelikadelacruz | Youtube Channel

Photo credits: angelikadelacruz | Youtube Channel

Photo credits: angelikadelacruz | Youtube Channel

Makikita nga sa video ang lawak at laki ng kanilang 2-storey family house. Magmula sa recieving area ay masayang ibinahagi ng aktres ang mga kagamitang makikita rito. Isa na nga rito ang mga awards na nakuha nilang magkakapatid.

Photo credits: angelikadelacruz | Youtube Channel

Maging ang pangalawang sala sa kanilang bahay ay ipinakita rin ng aktres. Dito nga sila kadalasang nagba-bonding at tumatambay na magkakapatid. Maging ang kwarto na pinagawa ng kanyang daddy para sa kanya noong pagsapit niya sa edad na 18, ay ipinakita rin niya. Ngunit ngayon nga, ay ang kapatid na niyang si Mika ang gumagamit nito.

Photo credits: angelikadelacruz | Youtube Channel

Ipinakita rin ng aktres ang likod na bahagi ng kanilang tahanan at ang araw nga kung kailan nag-house tour ang aktres, ay padasal sa kanyang yumaong kapatid na ginanap sa naturang lugar.

Photo credits: angelikadelacruz | Youtube Channel

May pasilip rin ang aktres sa guest house na may sariling kusina, banyo, may mini sala rin at higaang makikita rito. Sa basement naman matatagpuan ang mga lumang gamit ng kanyang lola. At kadalasan rin ay dito sila tumatambay.

Photo credits: angelikadelacruz | Youtube Channel

Photo credits: angelikadelacruz | Youtube Channel

Talaga nga namang napakaganda ng family house nina Angelika na kung saan ay makikita ang laki at lawak nito na mas lalong pinaganda ng modernong disenyo.

House Tour (Casa Dela Cruz) | Angelika Dela Cruz

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *