Silipin ang Naipundar na 3-Storey Modern Classic House ni Kim Chiu sa Quezon City

Sa mundo nng showbiz ay napakarami nating iniidolo at hinahangaan, siyempre isa sa mga aktres sa showbiz na kilala natin ay ang Kapamilya star at ngayon ay It’s Showtime host na din ng programang It’s Showtime, ito ay walang iba kundi si Kim Chiu o mas kilala sa tunay na buhay bilang si Kimberly Sue Yap Chiu.

Ipinanganak noong ika-19 ng Abril taong 1990 si Kim, at siya’y unang nasilayan ng publiko ng maging housemates siya ng sikat na bahay ni Kuya, ang Pinoy Big Brother House kung saan hinirang siyang kauna-unahang PBB Big Winner sa Teen Edition.

Mula ng hirangin siya bilang Big Winner ng PBB Teen Edition, ay dito na nagsimulang magbukas ang napakaraming oportunidad kay Kim sa mundo ng showbiz, kabilang na dito ang pagkakaroon ng iba’t ibang mga movie projects kung saan kanyang nakatambal ang PBB housemates din noon na si Gerald Anderson. Ang kanilang tambalan ay tinangkilik ng marami, at nakilala pa nga sila bilang KIMERALD.

Tinagurian din si Kim na Chinita Princess sa mundo ng showbiz.

Samantala, sa layo ng narating ni Kim sa kanyang buhay bilang isang modelo, aktres at host ay talaga namang masasabi natin na napakalaki na ng nangyaring pagbabago sa estado ng kanyang pamumuhay, kung saan mula sa pagiging isang simpleng dalaga sa Cebu ngayon ay isa na nga siya sa mga sikat at hinahangaang aktres sa mundo ng showbiz.

Masasabi naman natin na sa narating ni Kim na tagumpay bilang showbiz personality, ay marami-rami na din siyang naipundar, at isa na sa mga ito ay ang kanyang tahanan.

Tunay na nakakalula ang tahanan ng aktres, na matatagpuan sa Quezon City. Ang tahanan na ito ni Kim ay mayroong tatlong palapag ay nakatirik ito sa lupain na may lawak na 600sqm.

Ayon sa ulat, ang disenyo ng tahanan na ito ni Kim ay nagre-repleka sa karakter at istilo ng aktres, at ito ay sa tulong ng Design Consultant na si Janeth Diquiatco-Torio.

 

Makikita sa mga larawan na ang exterior ng tahanan na ito ni Kim ay nakukulayan lamang ng neutral, at ito ay mayroong minimalist single-panel window.

Pagpasok naman sa klasikong tahanan na ito nga Kapamilya actress ay agad na mapapansin ang pagiging maaliwalas nito dahil na rin sa pagkakaroon nito ng high ceiling.

Mapapansin din kaagad sa living area ang sopistikada nitong dating, kung saan ang espasyo na ito ay mayroong tufted couch at magkapares na fully upholstered armchair.

Dahil naman ang dining area ng tahanan ni Kim ay halos nasa may bandang kusina lamang, ay sinuggest ng Feng Shui expert na si Joy Lim ang paglalagay ng soft blues sa may dining area para ma-offset umano nito ang fire elements. Sa dining area ay makikita din ang napaka-eleganteng 8-seater dining set.

Hahangaan din ang napakagandang kusina ng tahanan na ito ni Kim, dahil maliban sa pagiging malawak nito ay talaga namang napakaganda ng mga kitchen appliances dito.

Ilan sa mga kahanga-hangang appliances na makikita sa kusina na ito ng tahanan ni Kim ay Samsung French door refrigerator at GE Microwave oven. Makikita din ang pagakakaroon nito ng Elba cooktop sa may bandang lutuan at Elba rangehood.

Ito naman ang hallway sa second floor kung saan makikita ang tatlong pinto patungo sa mga kwarto.

Mayroon namang sariling private salon si Kim na itinalaga sakanyang bahay, dito siya lagi nag-aayos o nagpapa-ayos lalo na kung mayroon siyang mga espesyal na okasyon na pupuntahan o dinaman may mga shoot siya.

Dahil naman sa mahilig sa pink si Kim ay may pink na tema naman ang kanyang mala-prinsesang silid-tulugan na may disenyong loft-type bed. Ang silid-tulugan na ito ni Kim ay mayroong sariling living area at home office sa may ilalim ng loft bed.

Bilang isang aktres ay hindi naman nakaligtaan ni Kim na magkaroon ng kanyang walk-in closet sa tahanan niyang ito, kung saan dito makikita ang napakarami niyang mga damit, bags, sapatos at accessories na naka-organize ng maayos sa bawat lagayan nito.

Maliban sa kwarto ni Kim ay ipinasilip din ng aktres ang kwarto na ipinagawa niya para sa kanyang mga kapatid na sina Jp, Kam at Twinkle.

Mayroon din swimming pool si Kim sa kanyang bahay kung saan dito sila madalas nagbobonding ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan lalo na kung may selebrasyon ay madalas diumano sila dito naliligo.

Talagang kahanga hanga ang bahay na ito ni Kim kung saan dito makikita ang bunga ng kanyang mga pinagpaguran sa ilang taon pagtratrabaho bilang isang artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *