Silipin ang Kamangha-manghang Tropical-Inspired Farm House na ito, Perpekto Bilang Bahay Bakasyunan sa Probinsya

Kung ang ilan sa atin ay mas gustong mamasyal sa mga amusement parks sa syudad o sa mga resorts na makikita sa mga isla, ang iba naman ay talagang naghahanap ng oportunidad upang makapagbakasyon sa probinsya upang makapagrelax sa isang tahimik at malinis na lugar.

Talaga namang mararanasan ng mga bakasyunista ang lahat ng ito lalo na kung magkakaroon sila ng pagkakataon na pansamantalang manirahan sa tropical-inspired na bahay na ito.

Sa lokasyon pa lamang ng bahay ay masasabi nang perpekto ito para sa mga turista dahil makikita ito sa gitna ng isang bukid. Dito, talagang makakapaglakad-lakad sila sa malawak na espasyo habang nilalanghap nila ang sariwang hangin ng lugar. Makikita rin nila ang napakagandang tanawin mula rito.

Photo credits: Airbnb

Kung makikita naman ang mismong bahay, kapansin-pansin na agad na gawa sa kahoy ang bawat silid ng bahay kaya naman makasisiguro silang magiging presko at komportable sila sa kanilang pamamalagi rito.

Pangalawa naman sa talagang agaw-pansin na feature ng bahay ay ang pagiging bukas nito mula sa una hanggang sa pangalawang palapag. Kung titingnan nang mabuti, mapapansin na walang pinto ang bahay kaya naman maaaring pumasok ang mga bisita mula sa iba’t ibang bahagi nito.

Makikita sa unang palapag ng bahay ang common spaces gaya ng living area at dining space.

Talagang kahanga-hanga rin ang disenyo ng bahay na ito. Upang talagang maging tropical ang tema ng bahay, gumamit sila ng hanging benches sa halip na mga simple at ordinaryong sofa na karaniwan na nating nakikita.

Photo credits: Airbnb

Photo credits: Airbnb

Gawa rin sa mga tradisyunal na materyales ang mga upuan sa kanilang dining area. Makikita rin sa parteng ito ng bahay ang mga native na dekorasyon. Pagdating naman sa kusina, makikita pa rin ang moderno at tropical na disenyo.

Photo credits: Airbnb

Photo credits: Airbnb

Photo credits: Airbnb

Sa ikalawang palapag naman ng bahay ay makikita pa rin ang isang living space kung saan maaaring makapagpahinga ang mga bakasyunista. Mula naman dito ay mapupuntahan ang master’s bedroom.

Photo credits: Airbnb

Photo credits: Airbnb

Gaya ng ibang bahagi ng bahay, bukas na bukas rin ito kaya naman talagang presko at komportable ang mga mamamalagi rito.

Photo credits: Airbnb

Hindi rin naman mawawala sa bahay bakasyunang ito ang comfort room na talaga namang maihahalintulad sa mga comfort room ng mga hotel o resort.

Photo credits: Airbnb

Photo credits: Airbnb

Photo credits: Airbnb

Photo credits: Airbnb

Dahil sa kakaibang ganda ng bahay na ito, walang duda na talagang magiging perpekto ang bakasyon ng mga turista sa probinsyang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *