Silipin ang Kahanga hangang Hello Kitty Themed House na ito na Napaka Girly Pagmasdan Mula sa Labas Hanggang sa Loob

Hello Kitty lover ka ba? Kung ‘yes’, paniguradong masisiyahan at maaaliw ka sa tahanang ito, na hindi lamang napaka-girly sa kabuuang kulay na pinta nitong pink, kundi maging sa tema din nitong Hello Kitty.

Napakasarap naman talagang magkaroon ng sarili mong tahanan, dahil maliban sa maipapagawa mo ang gusto mong istilo at disenyo nito, ay maayos mo din ito na naaayon sa kagustuhan mo. Katulad na lamang nito ay ang Hello Kitty theme house na ibibida natin ngayon, na talaga namang napakaganda at kaaya-aya sa mata dahil sa kulay nitong pink.

Talaga namang agaw-pansin ang tahanan na ito, dahil ang ipininta sa labas nito na soft pink at sinamahan pa ng puti sa ibang bahagi, ay talaga namang nagbigay dito ng napakagandang dating. Dahil sa nakamamangha nitong kulay, kahit na sino ang mapadaan dito ay hinahangaan at nagagandahan sa tahanang ito. Mapapansin naman na simple at may pagka-minimalist ang disenyo ng tahanan na ito, ngunit nagmistula itong kahanga-hanga dahil sa laki nito.

Samantala, si Hello Kitty ay isa sa mga kilalang-kilala at sikat na character, kaya naman hindi nakapagtataka na mayroong ilan sa atin na gusto na gamitin ito bilang tema o dekorasyon ng kanyang tahanan.

Katulad na lamang nga ng tahanan na ito na naging kaaya-aya dahil sa mga Hello Kitty na dekorasyon nito at kagamitan.

Makikita na ang tahanan na ito ay mayroong balkonahe na napakaganda dahil sa pinta nitong pink at mapapansin din na sa bahagi palang na ito ay mayroong ng Hello Kitty décor.

Pagpasok naman sa mismong loob ng tahanan na ito, ay agad na masisilayan ang kulay pink na sofa set na mayroong kaibig-ibig na Kitty-head shape. Mapapansin din na ang loob ng tahanan na ito ay mayroong Hello Kitty wall decals.

Tila kinarir din ng home-owner ng tahanan na ito ang kanyang Hello Kitty theme house, dahil maging ang ceiling nito ay mayroong Hello Kitty head design.

Isa pa din sa mga talagang kahanga-hanga dito, ay ang cabinet nito sa sala kung nasaan nakapatong ang telebisyon, dahil sa punong-puno ito ng mga naka-display na Hello Kitty collection.

Kahit na sino ang pumasok sa tahanan na ito ay mapapamangha naman talaga, dahil ang mga dingding nito ay napipinturahan ng plain pink na nilagayan ng mga Hello Kitty accent.

Nakamamangha din ang silid-tulugan sa tahanan na ito, dahil kahit na Hello Kitty theme ito ay hindi naman ito nagmistulang silid ng bata. Mapapansin sa silid na ito na ang bedsheet cover ng higaan ay pink geometric pattern design at pink din ang kulay ng walls, roller blinds at maging ng ceiling, kaya naman pasok na pasok pa din sa kabuuang tema ng tahanan na Hello Kitty.

Hindi rin nagpahuli sa temang Hello Kitty ang kitchen at dining area ng tahanan na ito. Makikita din na kahit minimalist ang pagkakaayos ng mga kagamitan sa kusina at hapagkainan, dahil walang masyadong furnitures, ay talaga namang napakalinis at elegante nitong tingnan.

Tunay namang napakaganda ng Hello Kitty theme house na ito, at kung isa ka sa mga nangangarap na magkaroon ng ganitong tahanan, nawa’y maging inspirasyon mo ito at makakuha ka ng ilang ideya sa tahanang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *