“Salamat Ukay-ukay” Isang Netizen Ibinahagi ang Naipundar na Pangarap na Bahay na Bunga ng Kanyang Ukay-ukay Business

Gaano man kalaki ang ating pangarap sa buhay, ito ay posible nating makamtan, basta’t tayo ay patuloy lamang na nangangarap at ginagawa ang lahat ng ating makakaya para mabigyan ng katuparan anuman ang ating pangarap sa ating buhay.

Tunay din na kapag mayroong sipag, tiyaga, diskarte ay maari mong makamit anuman ang iyong naisin at pinapangarap.

Samantala, iba’t ibang mga pamamaraan ang ginagawa natin para mabigyan natin ng katuparan anuman ang ating pangarap. Ang iba ay puspusan ang ginagawang pagsisipag at pasusumikap sa kanilang trabaho, samantala mayroon namang iba na ginagawa ang lahat ng diskarte na kanilang nalalaman para lamang matupad ang kanilang pangarap.

Halimbawa na lamang nito ay ang isang netizens na nito lamang ay ibinahagi sa Facebook group na Pinoy House Design and Plan ang puno ng inspirasyon na kuwento sa kung paano nila nabigyan ng katuparan na maipatayo ang pinapangarap nilang tahanan.

Finally, may Bahay na kami.
Walang hanggang pasasalamat po sa lahat.
Lahat ng meron kami ngayon, alam kong pahiram lang samin ni lord at itong hiram na to ay Iingatan at Mamahalin namin ng buong Puso. ”

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Batid naman natin na lahat ng mga bagay na mayroon tayo dito sa mundong ibabaw, ay isa lamang ang pinagmulan at ito ay ang Poong Diyos na lumikha sa ating lahat, kaya naman hindi nakaligtaan ng naturang netizens na magpasalamat sa Diyos sa lahat biyayang ibinigay nito sa kanyy bago niya tuluyang ibahagi at ipagmalaki ang tahanan na naipundar niya.

Sa loob ng 2years na pagtitinda ng Ukay-Ukay eto na ang lahat ng pinag paguran at pinagpuyatan sa paglilive selling at sa pag wwholesale ng bulto.

Sa lahat ng nagtiwala at naniwala sa kakayahan ko maraming salamat sainyo, Wala ako ng meron ako ngayon kung hindi dahil sainyo. ”

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Naging posible sa naturang netizens na mapundar ang pangarap nilang tahanan dahil sa kanilang naging sipag, tiyaga at diskarte sa pagtitinda ng mga ukay-ukay online.

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Ayon pa sa kanya, dalawang taon din ang iginugol nila sa pagpupuyat at pagpapagod sap ag la-live selling bago nila tuluyang makamit ang pangarap nilang tahanan.

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Proud niyang ibinahagi na ang napakaganda at napakalaking tahanan na ngayon ay ipinagmamalaki niyang ibinahagi sa online ay “Katas ng Ukay”, at ang nais niya ay ang magbigay inspirasyon sa lahat ng patuloy na nagsusumikap para sa katuparan ng kanilang pangarap.

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

“#SalamatUkayUkay #KatasngUkayUkay

Mangarap ka lang hanggat gusto mo libre lang yan, Pero sabayan mo ng sipag, tiyaga at pananalig sa kanya wag na wag kang makakalimot sa itaas lahat yan makukuha mo wag kang susuko sa pangarap mo. Laban lang!!

Kung masaya ka sa ginagawa mo, magtatagumpay ka.
Laban mga ka online seller kaya yan. ”

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Makikita naman sa mga ibinahagi niyang larawan ang bawat bahagi ng tahanan na naipundar niya dahil sa kanyang pagiging Seller ng Ukay-Ukay.

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Photo credits: Pinoy Disenyo / Facebook

Isa itong bahay na mayroong isang palapag at may modernong disenyo. Masisilayan din na bawat bahagi ng tahanan na ito ay mayroong magagarang kagamitan na mas lalo pang nagbigay ng kagandahan at kulay dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *