Dating Panadero Isa na Ngayong Doktor, Narito ang Kanyang Kahanga hanga na Kwento

Iba’t iba ang pangarap ng bawat isa sa atin, pero siyempre karamihan sa atin ay pinapangarap ang maging propesyonal sa buhay at magkaroon ng magandang career. Ang ibang may kakayanan at nakaaangat ang estado ng buhay ay kaagad na nakukuha anuman ang kanilang pangarap na career sa kanilang buhay dahil sa hindi nila pinoproblema ang mga gastusin sa pag-aaral, taliwas naman sa buhay ng ilan sa atin na dahil sa kakapusan ay kinakailangan pang kumayod at magsumikap ng husto sa buhay para lamang makapag-aral at matupad ang career na pinapangarap.

Ang ngayon na hinahangaan at nagbibigay inspirasyon sa marami na si Dr. Rommel Abellar Amos ay isa lamang sa mga naging puhunan ang sariling pagsisikap para lamang matustusan ang kanyang pag-aaral at matupad ang pangarap niyang maging isang doktor sa kagustuhan din niya na matulungan ang mga kababayan niya sa Eastern Samar.

Si Rommer Abellar Amos ay isa sa mga maswerteng pumasa sa Physician Licensure Exam noong buwan ng Marso taong 2021. Ang 37-taong gulang na si Rommel ay nagtapos ng kanyang kursong medisina noong taong 2019 sa Cagayan State University sa Tuguegarao City. Siya ay tubong Borongan City, Eastern Samar at tunay na makulay ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay, bago niya nakamit ang pangarap niyang maging isang ganap na doktor.

Photo credits: Rommel Abellar Amos | Facebook

Samantala, dahil sa nakaka-inspire na kuwento ng kanyang buhay at tagumpay, noong ngang buwan ng Disyembre taong 2021 at nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rommel sa pamamagitan ng Facebook Messenger. Dito ay ibinahagi niya ang labis niyang kaligayahan sa nakamit niya, dahil aminado siyang hindi biro ang pinagdaanan niya makamit lamang ang pangarap niyang maging isang doktor.

Photo credits: Rommel Abellar Amos | Facebook

“Masaya po at minsan naiiyak dahil sa sacrifice na pinagdaanan ko”

“Na-realize ko na wala palang imposible pag matiyaga at masipag”, pahayag ni Rommel sa PEP.ph.

Ikinuwento din ni Rommel sa PEP.ph ang naging buhay niya bago siya maging isang doktor. Saad niya, hindi naging madali sa kanya ang pagtupad sa kanyang pangarap, dahil bago niya ito narating ay napakarami niyang pinagdaanan.

Kuwento niya, taong 2005 ng maka-graduate siya sa una niyang kurso at ito ay Bachelor of Arts in Philosophy sa Nativity of Our Lady College Seminary Borongan, pagkatapos nito ay nagtrabaho siya sa isang water refilling station.

Photo credits: Rommel Abellar Amos | Facebook

Taong 2006 ng siya naman ay lumuwas patungong Maynila para mag-aral ng nursing. Saad niya kaya siya kumuha ng nursing ay dahil pin-demand noon ang mga nurse sa ibang bansa, at plano niya sana ang mag-abroad kapag naging isang nurse na siya.

Para masuportahan ang kanyang pag-aaral ng nursing ay nagtrabaho si Rommel sa isang supermarket. Naging isa siyang marketing assistant noong taong 2017 at taong 2008 naman ng magtrabaho siya bilang isang sales clerk.
Dahil sa determinasyon ni Rommel, taong 2010 ay nagawa niyang matapos ang kursong nursing sa St. Jude College Manila, at agad din siyang nakapasa noong taong 2011 sa nursing board exam.

Photo credits: Rommel Abellar Amos | Facebook

Noon pa man ay pangarap na niya ang maging doktor, kaya naman matapos niyang makapasa sa nursing board exam, ay hindi niya itinuloy ang una niyang plano na mag-abroad, bagkus ay nagdesisyon siyang ituloy ang pangarap niyang maging isang doktor.

Photo credits: Rommel Abellar Amos | Facebook

Ayon kay Rommel isa sa mga motibasyon niya para magpursige sa pagiging isang doktor, ay dahil sa kakulangan ng medical doctors sa probinsya nila, kaya nama siya ay nagbalik sa probinsya at doon ay nagsimula siyang mag-aral muli at sa pagkakataong ito ay kursong medisina na ang kinuha niya.

Kuwento pa ni Rommel, bago siya nag-aral ng med studies, ay dalawang taon siyang nagtrabaho bilang Panadero sa bakery, para makapag-ipon ng pangtustos niya sa pag-aaral. Taong 2014 ng mag-enroll siya sa medisina at nasa edad31-taong gulang na siya ng mga panahon na ‘yon.

Photo credits: Rommel Abellar Amos | Facebook

Pagbabahagi naman ni Rommel, kaya sa bakery siya nagtrabaho ay dahil kung sa hospital siya magtatrabaho ay maliit lamang naman din ang sahod ng nurse at mas malaking oras pa ang maigugol niya sa pag-duty, samantala sa bakery naman ay nagtatrabaho lamang siya tuwing summer break, Christmas break o sem break.

“During my med school, every summer break, Christmas break, and sem break nakakapagtrabaho po ako sa bakery pa rin.

“Mura po ang tuition namin sa Cagayan State University kaya kinaya.”

Ngayon na ganap nan gang doktor si Rommel, ay tinupad na niya ang pangako niyang maging doktor sa kanilang baryo. Sa kasalukuyan ay naglilingkod siya bilang Rural Health Physician sa Rural Health Unit of Dolores sa Eastern Samar.

May iniwan namang payo si Rommel para sa mga gaya niyang kinakailangan pang magtrabaho para makapag-aral. Saad niya, magpatuloy lang sa pagsisikap at pagtatiyaga sa buhay, dahil lahat ng ito ay mayroong katapusan.

“Maging priority nila ang education. Yun pa rin talaga ang magdadala sa kanila. Maging madiskarte in case may financial crisis.
“Focus sa goal. It will pay off in the end.”