Pinay OFW Proud na Ibinahagi ang Naipundar na Bahay sa Pilipinas Matapos Pairalin ang Pagiging Madiskarte Habang Namamasukan Bilang Houseworker sa Riyadh

Marami tayong mga kababayan na nakikipagsapalaran sa ibang bansa bilang mga OFW o Overseas Filipino Worker, kung saan karamihan sa kanila ay nagtatrabaho bilang mga houseworker.

Tunay na hindi biro ang maging isang OFW, dahil isa sa mga kinakailangang isakripisyo ay ang malayo sa pamilya, sa kabila nito, batid natin na kaya pinili ng mga OFW ang magtrabaho sa ibang bansa, ay dahil sa pagnanais nilang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya.

Samantala, batid natin na marami sa ating mga kababayang OFW ang talaga namang madiskarte kahit nasa ibang bansa kung saan kahit na mayroon nan gang trabaho roon ay nagagawa pang humanap ng iba pang pagkakakitaan o trabahong mapapasukan para mas mabilis makapagipon o madoble ang perang maipapadala sa pamilya. Katulad na lamang ng madiskarteng OFW na si Lucero Zolita Gracia, na nagtatrabaho bilang isang houseworker sa bansang Riyadh.

Sa Facebook page na Pinay Ako, ay naibahagi ang nakaka-inspire na kuwento ng Pinay OFW, kung saan dahil sa pagiging madiskarte niya kasabay ng pagtatrabaho niya bilang houseworker sa ibang bansa ay nagawa niyang makapagpundar ng sariling bahay sa Pilipinas.

“Hindi sa pagmamayabang nakakatuwa lang po na sa hirap, pagod, pagtitiis at maliit na sweldo eh nagkaroon kame nito”, aniya sa unang bahagi ng kanyang Facebook post.

Saad ng Pinay OFW na ang Facebook name ay Lucero Zolita Gracia, tunay na labis ang galak at tuwa kapag nakikita mo ang isang bagay na bunga ng inyong paghihirap at pagsusumikap.

Photo credits: Pinay Kami / Facebook Page

Kuwento pa niya, siya ay isang OFW sa Gitnang Silangan na nagtatrabaho bilang isang utusan. Sa kabila nito, hindi naman niya ikinakahiya kahit na mayroong ibang tao na maliit ang tingin sa kanya dahil sa estado ng kanyang trabaho at dahil sa hindi siya nakapagtapos ng anumang kurso.

Kahit naman walang natapos na kurso at isang hamak na utusan lamang sa ibang bansa, ay hindi niya ito ikinakahiya, lalo pa’t batid umano niya sa kanyang sarili na saan man siya mapadpad ay kaya niyang lumakad ng diretso at nakataas ang noo dahil wala naman siyang inaagrabyadong tao.

“Ako po ay hamak na isang utusan lang dito sa Gitnang Silangan. Pero never ko un ikinahiya Maliit lang ang tingin saken ng Ibang tao (minsan nga ung mga kakilala mo pa mismo) dahil sa ganito lang ang trabaho ko at walang maipagmamalaki na natapos na kurso, pero OK lang mas kilala ko naman ang sarili ko at kaya kung lumakad ng diretso at tumingin mata sa mata ng makakasalubong ko dahil wala naman ako inaargabyado.”

Photo credits: Pinay Kami / Facebook Page

Ayon pa sa kanya, ang pagkakaroon niya ng maliit na sahod ang nagtulak sa kanya upang mas magsipag pa at pairalin ang pagiging madiskarte niya. Naisipan niya ang rumaket para magkaroong ng dagdag kita, at una niyang naging raket ay ang pagpa-partime niya sa Khobar, kung saan pagkatapos ng duty niya ay dumideretso siya sa mga event at doon naman siya nagsisilbing utusan.

“Dahil sa maliit ang sweldo eh naisipan kung rumaket. Nag simula aq sa partime sa Khobar, pag tapos ng duty diretso sa mga event at dun nmn magiging utusan. Mahirap pero masaya kase madami ako nakikilala. Pasok sa trabaho ng 6am to 4pm,tapos diretso biyahe punta sa event 5pm to 2am minsan nga Inaabot pa kame ng 4am bago makauwi.”

Dumating naman ang panaho na humina ang kita sa raket niyang ito, kaya naman nag-isip na naman siya ng ibang extrang pagkakakitaan, at dito na pumasok sa kanyang isipan ang pag-online selling.

Photo credits: Pinay Kami / Facebook Page

Bukod pa sa online selling, ay pinasok din niya ang pera padala, kung saan siya ang nagiging utusan ng mga kabayan na hindi makalabas para magpadala ng pera sa pamilya nila sa Pinas, at sa ginagawa niyang ito ay binabayaran siya ng service fee. Iba’t iba pa ngang raket ang kanyang ginawa, kabilang na dito ang pagtitinda ng Vape Juice at Vape device.

“Humina ang raket kaya nmn nag simula na ako mag online selling, lahat ibebenta kahit bra at panty binibenta ko, pero di yan natapos jan tumanggap na din aq ng mga pera padala, ung mga kabayan na di makalabas eh ako uutusan nila para maipadala pera nila sa mga mahal nila sa Pinas. Pati mga pabili sa Jarir ako ang inuutusan nila (sympre babayaran nila aq para sa service fee) ung Ibang nag tatrabaho sa bahay minsan aq pa bibigyan nila ng tip.”

Photo credits: Pinay Kami / Facebook Page

Sa huling bahagi naman ng kanyang Facebook post, ay pinasalamatan niya ang kanyang mga magulang dahil ang mga ito naging hands-on sa pag-aasikaso ng mga kinakailangan gawin sa pagpapatayo niya ng bahay. Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa kanyang mga kapatid at bayaw na tumulong din sa kanila.

“At sa aking tatay at inay na talaga namang sobra ang naging pagod, pag aayos ng papel ng lupa at pagbantay habang ginagawa maraming maraming Salamat po mga kapatid at bayaw na tumulong samen maraming Salamat sa inyong lahat.”

Makikita naman na kalakip ng Facebook na ito ng Pinay OFW na si Lucero Zolita Gracia, ay ang larawan ng kanyang naipundar na bahay na kongkreto at mayroong dalawang palapag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *