OFW sa Kuwait na Lumaking Walang Sariling Tahanan at Nagungupahan Lang ang Pamilya, Natupad na ang Pangarap na Magkaroon ng Sariling Tahanan

Sabi nga nila, hindi masama ang mangarap at walang imposible sa Kanya, lalo na kung patuloy mong pinagtatrabuhaan na makamit ang iyong pangarap at patuloy kang naniniwala na ibibigay Niya ito sa tamang timing sa iyong buhay.

Isa na namang puno ng inspirasyon na kuwento ng isang netizens ang ating matutunghayan ngayon, at ito ay ang katuparan ng kanyang pangarap na makamit ang pinapangarap lamang niya noon na tahanan, ito’y matapos niyang ibahagi ang kanyang kuwento at napakagandang tahanan sa Facebook group community na Home Buddies.

Siya ay isa din sa mga nagpatunay na anuman ang iyong nais at minimithi sa buhay, ito’y ibibigay sayo ng Diyos kapag handa ka na at nasa tamang timing na ng iyong buhay.

“I am a silent reader in this group, and nasa imagination ko lang before na makapost dito. At ito na nga, will be sharing with you our new home ”, pagbabahagi ng netizens na kinilalang si Belle Ortega base sa kanyang Facebook profile.

Ayon kay Belle, noon ay isa lamang siya sa sumusubaybay sa Home Buddies at nangangarap na magkaroon ng sariling tahanan katulad ng mga nakikita niyang magagandang tahanan dito. Kaya naman ngayon na ang pangarap lamang niya noon na tahanan ay nabigyan na niya ng katuparan, ay hindi siya nagdalawang isip na ibahagi din ito sa Home Buddies, para makapagbigay din ng inspirasyon at ideya sa iba.

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Maliban sa pagbabahagi ng katuparan ng pangarap niyang tahanan, ay ikinuwento din ni Belle kung ano ang buhay nila noon at paanong ang nasa imahinasyon lamang niya na tahanan noon, ay natitirhan na nila ngayon.

“Lumaki at namulat ako na nagrerent ang family ko, but now we’re living the dream…may bahay na kami na matatawag namin na amin”, ani Belle.

Kuwento niya, namulat siya na nangungupahan lamang sila ng kanyang pamilya, kaya naman ngayon na natupad na niya ang magkaroon ng sariling tahanan ay labis ang kanyang kagalakan.

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Ibinahagi din niya na naging posible para sa kanya na matupad ang pangarap niyang ito dahil na din sa pagsuusmikap niya at patuloy na pagtitiwala’t paniniwala sa Diyos.

“All glory to God Walang imposible sa Kanya, lahat nasa tamang timing ”, saad niya.

Makikita naman sa mga ibinahaging larawan ni Belle ang kanilang napakagandang tahanan ngayon na maliban sa ito ay malaki at mayroong dalawang palapag, modern din ang istilo at disenyo nito sa loob at labas.

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Photo credits: Belle Ortega | Facebook

Samantala, pinasalamatan naman ni Belle ang Brothers Legacy na siyang contractor nila sa pagbuo ng kanilang dreamhome.

“Napakalaking pasasalamat din namin sa aming contractor, Brothers Legacy. From achitectural design planning till end, saludo ako sa kanila! Napakabait pa nila, super thankful sa lahat ng naging part ng project na ito especially kay Sir Archie na full assistance sa amin. 5 hours ang time difference namin since nagwowork kami dito sa Kuwait, and yet dinaig ng 24-hours convenience store ang assistance nya sa amin Salamat Sir! Salute ”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *