OFW na 20-Taon ng Nagtatrabaho Bilang Housekeeper sa Ibang Bansa, Proud na Ipinasilip ang kaniyang Naipundar na Pangarap na Retirement Home

Lahat tayo ay papunta sa pagtanda, kaya naman habang tayo’y malakas pa marami sa atin ang todo ang ginagawang pagsisikap para dumating man sa panahon na mahina at matanda n para magtrabaho, ay mamumuhay pa rin naman ng maayos at kumportable.

Tunay naman na mas mainam na bawat isa sa atin ay paghandaan ang ating pagreretiro sa trabaho, kung saan mas maganda na pagdumating ang panahon na ito, ay mas mabuti na mayroon na tayong naipundar na tahanan at sapat na ipon para sa ating pagtanda.

Halimbawa nito, ay ang isang OFW na 20-taon ng nagtatrabaho bilang housekeeper sa ibang bansa, na kamakailan lamang ay proud na ibinahagi sa Facebook community page na Home Buddies, ang tahanan na kanyang napundar na siyang magiging retirement home niya.

“The provision for retirement requires planning. Just wanted to share my retirement home especially sa mga tulad kong baby boomers…its never too late to make your dreams come true!
I’ve been working as a housekeeper for 20 years and I decided that it’s time for me to retire and enjoy life. I came here in the US in 1999, and by the grace of God, nakuha ko na rin ang 4 kids ko dito and their families will be joining them soon, too.”

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Ayon sa OFW na kinilalang si Esther Winkley, base sa kanyang Facebook name, taong 1999 ng siya’y makipagsapalaran sa bansang Amerika, kung saan siya nagtrabaho bilang isang housekeeper.

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Sa kabutihan ng Diyos ay naging maganda ang takbo ng kanyang trabaho sa naturang bansa, kaya naman nadala din niya rito ang kanyang apat na anak at ‘soon’ pati ang mga pamilya na rin ng mga ito.

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Pagbabahagi pa niya, ngayon na halos 20-taon na din siyang nagtatrabaho at nadala na din niya sa Amerika ang kanyang mga anak, ay nagdesisyon siyang heto na ang tamang panahon para siya’y magetiro at i-enjoy ang kanyang buhay. Bilang paghahanda sa kanyang pagreretiro, 5-years ago ay pinasimulan niyang ipatayo ang kanyang magiging retirement home.

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Kuwento niya, hindi madali ang magpatayo ng tahanan, lalo na sa tulad niyang maraming tinutulungan. Ayon pa sa kanya, naging phinto-hinto din ang pagpapatrabaho niya ng kanyang retirement home, lalo na kapag wala ng budget, at ito ay itinutuloy lamang ulit kapag siya’y nakatanggap ng Christmas bonus at Tax refund.

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Dagdag na saad pa niya, ang buhay sa Amerika ay hindi madali lalo na pag tatamad-tamad ka. Naranasan din umano niya na makapagtrabaho sa mga celebrities at mayayamang tao sa nasabing bansa, kung saan ay nakasalamuha niya ang ilan sa mga ito na may masasama at mabubuting ugali.

“Hindi madaling mag-ipon lalo na pag maraming tinutulungan kaya inabot din ng 5 years ang pagpapatayo ko ng bahay. Pag may Christmas bonus at Tax refund nagpapatrabaho at pag wala hinto ulit. Nawalan din ako ng work nung 2018 kaya nag decide na mag apply ng early retirement then nag Uber driving din para may pambayad ng bills. I have worked for the billionaires and celebrities…may mga masasana ang ugali pero may mga mababait din. Hindi madali ang buhay dito sa America lalo na sa mga tamad. May kapwa Pinay pa nga nuon na nang bash sa mga katulong dito sa US, nakakahiya daw kami na nagpapakatulong dito. Mayaman siguro siya😁”

Samantala, makalipas ang 5-taon mula ng umpisahan niyang ipatayo ang kanyang retirement home, heto na at masaya niyang ibinahagi ito sa Home Buddies. Ayon sa kanya tapos na ang kabuuan ng kanyang tahanan ngunit hindi tapos ang flooring ng garage nito.

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Noon pa umanong last July natapos ang kanyang pinatayong bahay, at ng magkaroon siya ng pagkakataon na makauwi nung buwan ng July hanggang August, ay talaga namang labis ang kasiyahan niya ng makita ang outcome ng bahay na pundar niya. Talaga namang napakasarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng sariling bahay, na ikaw ang magiging reyna nito.

“Long story short, natapos (actually dpa tapos yung flooring ng garage at need pa magpalagay ng canopy sa front) din yung pinatayo kong bahay last July. Na-approved naman yung 7 weeks vacation ko kaya nakauwi ako nung July-August para makita at makapag-organized. So far, masaya ako sa outcome ng bahay ko although I know na pag-uwi ko next year, mag re-reorganize na naman ako. Napakasarap sa pakiramdam yung may uuwian kang sariling bahay kasi iba pa rin yung ikaw ang reyna😊. Wala akong malaking ipon but I know I can retire comfortably without depending on my kids.”

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Photo credits: Esther Winkley | Facebook Group | Home Buddies

Mapapansin naman na hindi namang sobrang laki ang retirement home na ito ni Esther at hindi rin maganda ang outside view nit, sa kabila nito, pag napasok mo naman ang loob nito ay mapapangha ka dahil talagang napakaganda ng interior nito, at kitang-kita din kung paano na-maximized ang space nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *