Netizen na ang Pangarap Lang Noon ay Kumuha ng Rent to Own Condo, Masayang Ibinahagi ang Naipundar na Modern 2-Storey House

Sa Facebook group page na Home Buddies ay napakaraming mga netizens ang nagbabahagi ng kani-kanilang mga nagagandahang tahanan at mga kagamitang naipundar sa loob ng pamamahay nilang ito.

Ang ibang netizens na nagbabahagi ng kanilang mga tahanan, ay ibinabahagi din ang nakaka-inspire na kuwento sa kung papaano nila naipagawa o nabigyan ng katuparan ang dream house nila, halimbawa na lamang nito ay ang isang netizens na nito lamang nakaraan ay ipinasilip ang naipundar napakaganda at napakalaking 2-storey house.

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

“Hello mga kapitbahay sa wakas natapos din ang bahay namin”, ang naging masayang pagbabahagi ng netizens na si Aireen Garcia Manzon base sa kanyang Facebook name.

Makikita sa mga ibinahagi niyang larawan ang napakagandang tahanan na naipundar nila, ito ay mayroong dalawang palapag at moderno ang disenyo.

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

Ayon kay Aireen, tunay na napakalaking blessings para sa kanyang pamiya ang tahanan nilang ito, dahil noon ang pinapangarap lamang niya ay ang kumuha ng rent to own condo unit sa Maynila kung saan doon siya nagtatrabaho o kaya naman ay ang magkaroon ngs simpleng bahay, ngunit hindi niya inaasahan na ganito kalaki ang biyayang ipagkakaloob sa kanilang ng Diyos.

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

“Pangarap ko lang talaga ay kukuha ng rent to own condo unit sa Manila kasi dun ako nagwowork o simpleng bahay lang. Tapos ang binigay ni God sa amin ay mas malaking blessings”, saad niya.

Kung titignan ang tahanan na kanilang naipundar ay masasabi na napakalayo nito sa pinangarap lamang nila na simpleng bahay, kaya talagang labis ang kanilang pasasalamat sa Poong Maykapal sa biyayang ito sa kanilang pamilya.

Ang kanilang two story house ay mayroong modernong disenyo mapaloob o labas man, kaaya-aya din ang mga ilaw at kagamitan nito. Kapansin-pansin din ang mga modernong disenyo ng mga kisame nito na mas nagbigay ng pagka-elegante sa nasabing tahanan. Napakaganda din ng mga ilaw nito na mas napapansin kapag gabi na. Mayroon din itong parang rooftop kung saan maaring tumambay sa gabi.

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

Mapapansin din na sa unang palapag ng kanilang bahay ay mayroong tila isang shop, at ayon kay Aireen ito ay kanilang computer shop.

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

Pagbabahagi naman ni Aireen ang sikreto sa buhay upang mas bumuhos ang napakaraming biyaya ay ang pagiging masipag at Mabuti sa kapwa.

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

Photo credits: Home Buddies / Facebook Group

Ibinahagi din niya na ang ilan sa mga ideya niya sa loob ng kanilang bagong bahay ay nakuha niya sa group page na Home Buddies kaya naman nagpapasalamat siya sa pagiging miyembro niya ng naturang page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *