Mula sa Pagiging Liability, Naging Asset na Ngayon ng Isang Pamilya ang Ipinagawa Nilang Family Staycation House Matapos Nila Itong Iparenta

“From Liability to Asset”, ito ang naging unang bungad ng netizens na si Anne Garcia sa kanyang naging Facebook post sa group page na Home Buddies, kung saan ay kanyang masayang ibinahagi kung paanong naging asset ng kanilang pamilya ang family staycation house na ipinagawa nila.

Matatandaan na noon ay ibinahagi na ni Anne Garcia sa Facebook community na Home Buddies ang naging pagpapagawa nila ng kanyang pamilya ng swimming pool sa loob ng kanilang bakuran.

Photo credits: Home Buddies / Facebook

Pagbabahagi niya sa nauna niyang post, na ito ang ikalawang budol niya sa kanyang mister, at talaga namang napakasaya nilang pamilya dahil sa kung nanaisin nila ang mag-relaks at mag-enjoy ay hindi na nila kinakailangan pang lumayo sapagkat mayroon na silang sarili nilang Family Staycation house na may nakakarelaks na view at swimming pool.

Photo credits: Home Buddies / Facebook

Samantala, sa pinakabagong update post ni Anne sa Home Buddies ay proud naman niyang ibinahagi sa lahat ng mga ka-homebuddies niya na ang Family Staycation house nila na noon ay para lamang sa kanilang pamilya, ngayon nga ay binuksan na nila sa publiko para parentahan.

Yung pinagawa namin na Family Staycation house, pinaparent na namin ngayon”, ang naging masayang pagbabahagi ni Anne Garcia.


Photo credits: Home Buddies / Facebook

Photo credits: Home Buddies / Facebook

Ayon pa sa kanya, noong una niyang ibahagi sa Home Buddies ang pool na ipinagawa nila sa kanilang Family Staycation house ay nagkaroon ng 10k likes ang kanyang post na ito at napakarami niyang mga virtual kapitbahay ang naka-chika niya regarding sa expenses, pros at cons ng pagpapagawa ng swimming pool.

Photo credits: Home Buddies / Facebook

Dagdag na pahayag pa niya, may ilang mga virtual kapitbahay din niya na talaga namang nagandahan sa kanilang Family Staycation house swimming pool ang nagtanong sa kanya kung plano ba nilang parentahan ang napakagandang ‘place’ nilang ito.

Photo credits: Home Buddies / Facebook

Kasabay ng pagbabahagi ng mga larawan ng bagong update sa kanilang Family Staycation house, ay ang naging masaya ngang pag-anunsyo ni Anne Garcia na ang bahay nilang ito ay bukas na para sa mga gusting magrelaks.

Photo credits: Home Buddies / Facebook

Pinagmamalaki din niyang sinabi na siguradong mag-e-enjoy ang sinomang magpaplanong bumisita at magrenta sa kanilang Family Staycation house dahil ang pakiramdam dito ay para ka lang nasa sarili mong bahay.

“So eto na nga mga kapitbahay, open na ang bahay namin sa mga gusto magrelaks. Para ka lang nasa sarili mong bahay besh, malinis (gamit ko yung budol na derma vaccum) mabango(budol ulit dahil sa mga diffuser at linens sprays na recommended niyo”, saad niya.

Photo credits: Home Buddies / Facebook

Paalala naman ni Anne sa mga nagpaplanong mag-rent sa kanilang Family Staycation house, na ang kanilang lugar na ito ay secured at para lamang sa mga taong gusto ng tahimik na place kung saan sila makakapag-chill, dahil bawal dito ang mag-videoke.

secured at tahimik (bawal videoke dito besh, para lang ito sa mga gusto ng tahimik na place at mag-chill), aniya.

Photo credits: Home Buddies / Facebook

Sa huling bahagi ng kanyang post ay bakas kay Anne kung gaano siya kasaya sa naipundar nilang ito ng kanyang pamilya, dahil maliban s ana-e-enjoy na nila ito ay napagkakitaan pa nila.

Natuto kaming magpundar. At ngayon na eenjoy na ng buong pamilya namin at nagstart na pagkakitaan.. Cheers sa mga pangarap natin na unti2x nating natutupad.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *