Misis Proud na Ibinahagi na Dahil sa Pag-Iipon at Pag-iwas Nila sa Luhong Mag-asawa ay Nagawa Nilang Magkaroon ng Napakagandang Renovation at Extension sa Kanilang Bahay

Tunay namang napakasarap sa pakiramdam kapag nakikita natin na unti-unti nating natutupad ang ating mga pinapangarap mapa-simpleng achievement man ito sa ating buhay, lalo na kung ito ay mula sa perang ating pinaghirapan at pinagtrabahuan, kaya naman ang isang netizens ay buong pagmamalaki na ibinahagi ang simpleng achievement nilang mag-asawa na katas ng kanilang sipag at tiyaga.

Proud na ibinahagi ng isang misis sa Facebook page na Home Buddies ang ‘another achievements’ nila ng kanyang mister ngayon taon. Ayon sa kanya, sa limang taon na paninirahan nila sa bahay na nakuha nila sa Pag-ibig, ngayon ngang taon ay nagawa na nila itong ipa-renovate at malagyan ng extension.

Sa Home Buddies, ay ibinahagi ng misis na may Facebook name na Jack Burst ang ilang mga larawan ng kanilang napakagandang tahananm na ayon sa kanya ay bagong pinta lamang. Saad pa niya, maliban pa sa pagpapapinta ng bahay nila, ay nakapagpa-extend din sila ng parking area at nakapagpa-rooftop.

“Iflex ko lang po admin ang another achievements po namin ng hubby ko this year, nakapagpaextend na kami ng parking area namin, nagparooftop na at bagong pinta na ang bahay naming after 5 years of staying”, saad niya sa unang bahagi ng kanyang Facebook post.

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Ipinagpasalamat din niya na nagawa nilang mag-asawa ang mga bagay na ito sa kanilang bahay ng hindi sila nangungutang. Pagbabahagi niya, ang extension at renovation ng kanilang bahay ay katas ng overtime at other side hustles nilang mag-asawa.

“Thankful kami kasi nakaya namin magrenovation na walang utang kahit sa Pag-ibig pa bahay namin at least, di utang ang ginastos sa extension at renovation. Only through paychecks tas overtime and other side hustles napagawa naman nmin ng maayos kahit di kami nga interior/exterior designer or kaya engineers .”

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Payo naman niya para sa lahat ng indibidwal, solo, mag-partner o mag-asawa man upang ma-achieve ang mga bagay na inyong pinapangarap ay kailangan ang dasal, pananampalataya, deteminasyon, sipag at pag-iwas sa mga bisyo. Ayon pa sa kanya, talagang mapasimpleng mga bisyo katulad ng pagmilktea o pagkape sa starbucks ay iniwasan nilang mag-asawa, para lang makapag-ipon sila ng paunti-unti sa kagustuhan nilang ma-achieve ang goal nila.

“Basta may prayers, malakas na faith lang, hard work, determination and focus minus vices (yes bisyo, dapat walang bisyo talaga kahit simpleng bisyo na palagiang pagbili ng milktea or kaya magstarbucks coffee, iwasan muna natin para makasave lang paunti-unti), every goal will be achieved and realized.”

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Dagdag pa ni Jack Burst, ano man ang pinagdaraanan natin sa ating buhay o may mga tao man na nanloko at nangmaliit sa atin, gawin natin itong inspirasyon para mas lalo pang makamit ang ating mga pangarap sa buhay, hindi lang para sa ating sarili kundi para na din sa ating pamilya, lalo na sa ating mga anak at ating kaligayahan.

“Gawin natin inspiration ang mga pangmamaliit ng iba, yong pnagloloko ng iba kahit ikaw nanga ang tumutulong sa kanila. Laban lang tayo sa mga pangarap para sa colorful na buhay, para sa mga anak natin at ating happiness.”

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Ibinahagi naman niya sa huling bahagi ng kanyang Facebook post na ito sa group page na Home Buddies na ngayon ay pag-iipunan naman nilang mag-asawa ang pangbayad nila sa kanilang Pag-ibig Housing Loan, at pag ito naman ay natapos na plano naman nilang isunod ang pag-iipon para makabili ng sasakyan.

Photo credits: Jack Burst | Home Buddies | Facebook Group

Naniniwala naman siya na sa pahintulot ng Diyos at sa kanilang pagsusumikap at determinasyong mag-asawa ay makakamit nila ang mga ‘goal’ nilang ito sa kanilang buhay.

“Soon ipon2 na naman pangbayad kay Pag-ibig Housing Loan then ipon na naman for car, pag ipahintulot ng Panginoon Thank you Lord for inspiring us always, guiding and giving us wisdom.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *