Misis Flinex ang Maliit Ngunit Napakarangyang Bahay Pahingaan na Ipinagawa ng Kanyang Mister na Nagsimula Lamang sa Pagpaplano Nito na Magpagawa ng Kubo

Sa Facebook community page na Home Buddies ay iba’t ibang mga nagagandahang tahanan ang ating nakikita, at bawat tahanang ito ay may kanya-kanyang kuwento kung paanong nagsimulang maipundar ng mga homeowner nito. Tunay na kung isa ka sa mga masigasig na tagasubaybay sa Home Buddies, ay magiging inspirasyon mo din ang bawat tahanan na iyong nakikita, uo di kaya naman ay makakakuha ka ng iba’t ibang mga magagandang ideya sa kung papaano mo pagagandahin ang iyong tahanan.

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Samantala, nito lamang nakaraan sa naturang Facebook community page, ay isa na namang tahanan ang naging agaw-pansin sa mga netizens na tambay sa Home Buddie. Ang tahanan na ito ay makikitang maliit lamang, ngunit sa kabila nito, ay mamangha ang sinoman sa ganda ng exterior at interior design nito.

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Ang larawan ng tahanan na ito ay ibinahagi ni Maricel Mendoza Fernando, kung saan ayon sa kanya ang naturang tahanan na ibinahagi niya, ay ipinagawa ng kanyang mister sa tabi lamang ng kanilang tahanan. Pahayag pa niya, nung una ay isang kubo lamang ang balak na ipagawa ng kanyang asawa, para lamang magsilbing pahingahan ng kanilang pamilya, ngunit laking sorpresa niya ng ang maging resulta ng kubong plano ng mister niya, ay maging isang maliit ngunit napakagandang tahanan.

“Hello po flex ko lang po pinagawa ng hubby ko. Nung una sabi niya kubo para daw pahingahan”, saad niya.

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Makikita sa mga larawan na kanyang ibinahagi na ang dapat ay kubo lamang na pinapalano ng kanyang mister noong una, ay naging isang kongkretong maliit na tahanan, na mayroong napakagandang istilo at disenyo, sa loob at labas man. Mapapansin din na ang mga bintana at pintuan nito ay gawa sa mga salamin.

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Sa komento, ay mababasa na ang sukat ng tahanan na ito ayon kay Maricel ay nasa 60sqm lamang, sa kabila nito, ay makikita na halos kumpleto ito sa pasilidad, dahil pagpasok naman ay agad makikita ang pagkakaroon nito ng espasyo na magsisilbing sala, ganun din ang pagkakaroon nito ng kusina at dining area.

Kamangha-mangha din ang pagkakaroon nito ng high ceiling, at ang hagdanan nito na may kahanga-hangang disenyo na siyang magdadala sayo patungo sa loft bedroom.

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Kuwento naman ni Maricel, kaya umano naging ganito ang resulta ng dapat ay plano lamang na kubo ng kanyang mister, ay dahil sa mga nakikita nito araw-araw sa Facebook, na syang dahilan para mabago ang unang plano nito. Saad pa niya, mula sa disenyo at kulay ng tahanan na ito, ay ang mister niya ang may ideya.

“Pero ganito po nangyari sa dami po araw araw na nakikita nya sa fb nabago ng nabago plano Sa kulay sa design cya may idea hindi pa po kumpleto sa gamit.. n0w pa lang nag sstart maglinis ”, aniya.

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Photo credits: Maricel Mendoza Fernando | Faceook

Kahit sino naman ay talagang mapapangha sa ganda ng tahanan na ito, at marami na naman sa ating mga kapitbahay sa Home Buddies, ang paniguradong nakakuha na naman ng magandang ideya lalo na sa nagpaplano magpagawa ng kahit maliit lamang na tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *