Mamangha sa Bagong Makeover na Bahay ni Bela Padilla na may Bohemian-Themed na Disenyo at Ginawa lamang sa Loob ng Tatlong Araw

Totoo na gaano man kaabala ng mga aktor at aktres sa kanilang mga trabaho ay katulad din lamang sila ng mga ordinaryong tao na talagang naglalaan ng oras at pera upang mapaganda pa nang husto ang kanilang sariling bahay. Hindi naman maipagkakaila na importante ito kahit kanino lalo na at pinaghirapan nila ito.

Para nga sa bahay ng kilalang aktres na si Bela Padilla, pinili niya na magkaroon ng bohemian na tema para dito. Bagong lipat lamang si Bela sa kaniyang 100 sqm. na apartment kaya naman isa itong perpektong pagkakataon upang masubukan niya ang mga bagong disenyo ngayon.

Nakakabilib din ang transpormasyon ng bahay ni Bela na natapos lamang sa loob ng tatlong araw sa tulong ng Moss Design House.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Dahil nga sa Moss Design House, nasiguro ni Bela na magiging perpekto ang disenyo ng kaniyang bahay na naaayon sa istruktura nito at higit sa lahat ay pasok sa kaniyang mga kagustuhan.

Ayon nga sa interior designer na si Cyndi Fernandez, isa sa mga kakaibang disenyo ng bahay ay ang wallpaper na makikita sa foyer na mayroong pineapple prints.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Dahil dito, mas naging kaaya-ayang tingnan ang simpleng espasyo at siguradong ikatutuwa rin ito ni Bela lalo na at pinya ang kaniyang paboritong prutas.

Pagdating naman sa living area, makikita ang couch at iba pang mwebles na kulay berde. Bagay na bagay rito ang mga halaman na naging karagdagang disenyo ng silid.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Upang magamit naman ang dingding sa likod ng couch na ito, inilagay nila ang ilang paboritong artworks ni Bela. Sa magkabilang bahagi naman ay nagtayo rin sila ng floating shelves upang maging organisado ang mga libro ng aktres.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Isa rin sa kapansin-pansing bagay sa apartment ni Bela ay ang kaniyang piano. Mula naman dito ay matatanaw ang simple ngunit eleganteng dining area ng bahay.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Kasyang-kasya rito ang apat na tao ngunit kung titingnan ay nagmumukha itong malawak dahil sa malaking salamin na makikita sa dingding nito. Bukod sa mga silid na nabanggit, talagang kahanga-hanga rin ang disenyo ng kaniyang kwarto.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Ayon nga kay Bela, pakiramdam niya ay nagbabakasyon siya sa isang beach sa Hawaii sa tuwing namamalagi siya sa kwartong ito.

Photo credits: Mr & Mrs B of Moss Design House | Youtube

Talagang napakaganda nga ng naging disenyo ng bagong apartment ni Bela at talagang makikita ang kaniyang kakaibang mga kagustuhan pagdating sa dekorasyon ng mga bahay.

Transforming Bela Padilla's new home in less than 3 days!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *