Mamangha sa 139 sqm. na Bahay na Ito na Mayroong Moderno at Minimalist na Disenyo

Talagang nakamamangha ang bahay na ito dahil bagamat mayroon itong minimalist na disenyo ay talagang masasabi na maganda pa rin ito. Mayroon itong sukat na 139 sqm. at maaaring magamit ang tatlong kwarto, dalawang comfort rooms, at maging ang dalawang parking spaces nito.

Kung aakalain ay maliit lamang ang espasyo ng lugar at kakaunting kwarto lamang ang magkakasya rito ngunit dahil sa wais na pagkakadisenyo sa bahay ay naging posible ang pagkakaroon nito ng ilang silid.

Sa labas naman ng bahay ay kapansin-pansin agad ang minimalist na tema ng bahay dahil sa simpleng mga dekorasyon gayundin ang magkahalong kulay puti at mga materyales na gawa sa kahoy na makikita sa paligid ng bahay.

Pagpasok pa lamang sa property na ito ay sasalubong agad ang napakalawak na carport kung saan kasyang-kasya ang dalawang sasakyan.

At dahil malawak nga ito, perpekto rin ito bilang espasyo para sa mga salo-salo at selebrasyon ng pamilya kasama ang ilang mga bisita.

Sa gawing kanan naman ay ang daan patungo sa loob ng bahay at ang simpleng garden. Dito makikita ang ilang halaman at espasyo bilang pahingahan o kaya naman ay play area para sa mga bata.

Bukod dito, napakarami pang espasyo sa paligid ng bahay kung saan maaaring makapaglaro ang mga bata.

Ang bawat open space rin ay mayroong mga upuan, benches, at mesa na hindi lamang maaaring maging pahingahan ngunit pwedeng-pwede rin na maging karagdagang dining space o receiving area para sa mga bisita.

Mapapansin din ang iba’t ibang halaman sa bawat sulok ng bahay kaya naman bagamat simple ang kulay nito ay nagkakaroon pa rin ng kakaiba at magandang dekorasyon ang bahay.

Pagdating naman sa loob ng bahay ay makikita pa rin ang minimalist na tema mula sa living at dining area, kusina, at mga kwarto. Sa kabila nito, mukhang napaka-elegante pa rin ng espasyo dahil sa naggagandahang mga chandeliers at mga furnitures.

Neutral colors din ang ginamit sa loob ng bahay maliban na lamang sa kusina na talagang kapansin-pansin ang kulay asul na mga kabinet.

Walang duda na talagang napakaganda ng bahay na ito at masasabi na maging ang simpleng mga bahay na mayroong minimalist na disenyo ay posible ring magmukhang elegante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *