Mag-ina na Naninirahan Lang Noon sa Parking Lot, Nagmamay-ari na Ngayon ng Napakagandang 2-Story House sa Palawan

Hindi maiwasan sa isang pamilya ang magkaroon ng pagsubok sa buhay, ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito ay nanatili silang magkakasama para kayanin ang lahat ng ito at makamit anuman ang inaasam nilang magandang buhay para sa kanila.

Halimbawa na lamang nito ay ang isang mag-ina na minsang sinubok sa buhay, naranasan ang mamuhay sa hirap, ngunit sa huli ay nakamit ang inaasam na magandang buhay dahil sa kanilang pagtutulungan.
Sa Faceook community page na Home Buddies, ay marami naman talaga ang nagbabahagi ng kani-kanilang mga tahanang naipundar, at sa likod ng bawat tahanan na ito ay may mga kuwento na talaga namang ang iba ay magbibigay sa atin ng inspirasyon.

Tulad na lamang ng naging pagbabahagi ng netizens na si Angelica Carlos sa kanilang napakagandang tahanan ngayon, na ang naging caption niya dito ay ang puno ng inspirasyon na kuwento ng buhay nilang mag-ina, bago nila nabigyan ng katuparan ang pangarap nilang tahanan na ito.

Photo credits: Angelica Carlos | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Angelica Carlos | Facebook Group Home Buddies

“2003 My mom brought me and my brother to Palawan to start fresh without my dad. (bulacan)
This is the house we moved in, my Mom used her last money to buy the sawali and roof to give us a decent shelter. It is used as a parking lot given by my Tita (Mom’s sister)”, saad niya sa unang bahagi ng kanyang caption.

Photo credits: Angelica Carlos | Facebook Group Home Buddies

Kuwento niya, taong 2003 ng silang magkapatid ay dalhin ng kanyang ina sa Palawan para doon magsimula ng panibagong buhay na hindi kasama ang kanilang ama na naiwan sa Bulacan. Sumakay sila ng Super Ferry para makarating sa naturang isla, at sa panibagong buhay na kanilang sinimulan sa isla ng Palawan, ang tanging gamit lamang umano na kanilang dala-dala, ay ang kanilang bintilador at plantsa.

“I still remember my Mom teaching us how to cook rice froom wooden stove and I would cry because I couldn’t start a . The only appliances that we have were the Fan she took with us from bulacan ( mosquitoes) and an Iron for clothes. We got here via SuperFerry ”, aniya.

Ayon pa sa kanya, ang unang larawan na kanyang ibinahagi sa Home Buddies ang dati nilang tahanan na tinutulyan sa Palawan, kung saan ito ay isang dating abadunadong parking lot ng tiyahin ng kanyang ina, na ipinaayos lamang ng kanyang ina gamit ang huling sentimo na mayroon ito, para lamang maging desenteng tahanan ito para sa kanila.

Samantala, sa pagdaan ng taon ay unti-unti silang nakabangon sa buhay, at noon nga umanong buwan ng Abril taon ng kasalukuyan ay nagretiro na sa trabaho ang kanyang ina.

Proud naman niyang ibinahagi na dahil sa kanilang pagtutulungang mag-ina, ay nabigyan nila ng katuparan ang minimithi nilang magandang buhay at maayos ng tahanan, kung saan makikita nga na mula sa dating maliit na tahanan na tinitirhan nila na dating parking lot, ngayon ay naninirahan na silang mag-ina sa isang napakagandang 2-story house na mayroong apat na silid tulugan at banyo.

“Fastforward to April 2022 – our Mom is retired at 56. Enjoying what we have accomplished throughout this years. I couldn’t be more happier because our hard work did not just made our life easier, we also created a livable life for my Mom, something that she deserves for a lifetime.”

Makikita pa sa mga larawang ibinahagi niya kung gaano kalaki at kamoderno ang naipundar nilang tahanan, at ayon pa sa kanya ito ay nakatirik sa lupaing mayroong sukat na 500sqm, at ang kabuuang floor area ng kanilang tahanan ay nasa 300sqm at ito ay makikita sa Puerto Princesa sa Palawan.

Tunay na bawat hirap at pagsubok na nararanasan natin sa ating buhay ay mayroong kapalit na maganda at maginwahang buhay, basta’t patuloy ka lang magsumikap at gumawa ng mga magagandang bagay. Ang kuwentong ito ng mag-ina ay tunay namag kapupulutan ng inspirasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *