Mag-asawa Pinasira ang kanilang Lumang Bahay Upang Magpatayo ng Kanilang Pangarap na Bahay na may Disenyong Contemporary English, Nagmistulang Mini Malacañang sa Ganda ng Naging Resulta

Iba’t iba man ang istilo, disenyo at tema ng ating mga tahanan ay tunay namang nakaka-proud ito, lalo na kung ang tahanan nating ito ay bunga at katas ng lahat ng ating mga sakripisyo at pagsusumikap.

Samantala, pagdating sa usapang tahanan, isang netizens ang kamakailan lamang ay proud na ipinasilip sa Facebook group community na Home Buddies ang kanilang napakagandang tahanan na noon ay isang old house ngunit ngayon na isa ng contemporary English house design.

“Last year, we decided to tear down our old house to build a new one with a contemporary English house design. We are very happy with the outcome! Have a great weekend!”, ayon sa netizens na kinilalang si Jet Caligagan base na sa kanyang Facebook profile.

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Ang contemporary English house design na tahanan nilang ito ay may temang team puti magmula sa exterior at interior nito. Ayon kay Jet, dahil sa puting tema ng tahanan nila ay madalas umano itong napagkakamalan na City Hall, Municipal Hall, mini-Malacañang, mini-White House, ala-AHS, Bridgerton, VonTrapp houses at iba pa. Biro pa niya, ang nakatira sa tahanan nilang ito ay hindi British o American accent, sapagkat kumakain din sila ng sardinas, tuyo, at isaw.

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Dagdag na biro pa niya, wala din sa loob ng bahay nila si Digong o ang kanilang Mayor, dahil sa madalas na napagkakamalang Municipall Hall o mini-Malacanang ang tahanan nila na ito.

“Hello Neighbors! Sharing the inside of our house na sabi ng marami eh City Hall, Municipal Hall, mini-Malacañang, mini-White House, ala-AHS, Bridgerton, VonTrapp houses, etc. Wala pong nagbibigay ng ayuda dyan, wala rin po sa loob ng bahay si Digong, or si Mayor at lalo pong wala si US Pres. Joe Biden. Hindi rin po British and American accent ang mga nakatira dyan. Kumakain din po ng tuyo, sardinas at isaw ang mga kids dyan! Hahaha ”, pagbabahagi pa niya sa isa niyang Facebook post.

Kung ang labas ng tahanan na ito ay nakamamangha dahil sa mala-mini Malacaṅang nitong hitsura, mas lalo namang nakamamangha ang disenyo at istilo nito sa loob.

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Sa hiwalay niyang Facebook post ay ipinakita niya ang napakagandang interior ng kanilang tahanan, kabilang na dito ang kanilang magarang hagdanan. Mayroon ding bahagi sa tahanan ilang ito ang paniguradong magandang tambayan ng mga naninirahan dito, dahil sa mayroon itong mga DVDs, mga libro, Lego collections, toy cars, Harry Potter wands at iba pang mga bored games, na ayon sa kanya ay ang misis niya ang nag-ayos.

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Isa pa din sa mga kapansin-pansin sa tahanan nilang ito ay ang kanilang mini-altar na nasa may hallway. Nagbigay din ng kulay at buhay sa tahanan nila ang mga nagagandahang obra.

Tunay namang sa isang tahanan ay napaka-spesyal ng kusina, dahil sa dito nabubuo ang maraming alaala lalo na at madalas na dito nagsasama-sama at nagsasalo-salo ang isang pamilya.

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Kaya naman sa tahanan nina Jet, ay talagang sinigurado nila na ito ay napakaganda at ma-e-enjoy ng kanilang pamilya. Ayon pa sa kanya ang kusina nila ang isa sa mga pinakamalawak na bahagi ng kanilang tahanan, dahil sa kalahati ito ng unang palapag.

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jet Caligagan | Facebook Group Home Buddies

Sa huli ay buong pagmamalaki din na ibinahagi ni Jet na ang kanyang misis ang siyang nag-conceptualized ng lahat ng makikita sa loob ng kanilang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *