Mag-asawa na OFW Nagpatayo ng kanilang Pangarap na Tiny Staycation Cabin House sa kanilang Napaka Gandang Lugar sa Lobo, Batangas na Pinangalanan nilang “Winner’s Cabin”

Marami sa atin ang nahihilig sa pagbabakasyon o ang bumisita sa mga magagandang lugar kung saan makakapagrelaks tayo, lalo na kung ang lugar na ating inagbakasyunan ay mayroong magandang tanawin. Sa ating bansa [Pilipinas] ay napakarami ng mga magagandang lugar o baksyunan ang talaga namang dinarayo, at isa na rito ay ang bagong pasyalan at bakasyunan ngayon sa Lobo, Batangas, ang “Winners Cabin.”

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ang Winners Cabin ay pagmamay-ari ng pamilya ng 24-taong gulang na si Zaira Cuan, at kamakailan lamang ay proud niyang ipinasilip sa pamamagitan ng isang vlog sa YouTube channel na “OG” ang kagandahan ng tahanan nilang ito.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ayon kay Zaira ang kanyang nakatatandang kapatid na babae at ang mister nito na sampung taon ng nagtatrabaho at naninirahan sa Texas ang may-ari talaga ng Winners Cabin. Naging inspirasyon umano ng kanyang Ate sa pagbuo ng Winners Cabin ang mga nagagandahang tahanan at mga resort na nakikita niya sa pagkahilig niyang manood ng mga house tour, hotel accommodation, modern houses at sa Netflix.

Photo credits: OG | Youtube

Samantala, sa ginawang tour ni Zaira sa Winners Cabin, ay una niyang ipinakita ang pool area at napakagandang tanawin sa labas ng lugar. Mapapansin na ang pool ay nasa tapat lamang ng mismong bahay, at kapansin-pansin din ang maraming mga halaman na ayon kay Zaira ay ang ate niya talaga ang may gusto nito dahil sa pagiging plantita nito. Hindi rin nakaligtaan ni Zaira na ipakita ang ‘chilling area’ na nasa tabi ng pool, na maaring higaan o upuan kapag pagod na sa pagsi-swimming.

Photo credits: OG | Youtube

Ibinahagi naman ni Zaira ang mismong Winners Cabin ay inspired sa mga wood cabin sa ibang bansa at upang maging moderno, ang ibang detalye naman nito ay inspirasyon sa mga modern hotel. Bago pumasok sa mismong loob ng Winners Cabin, ay mapapansin ang dalawang rattan swing na nasa magkabilang gilid nito, at ayon kay Zaira, ito ang isa sa mga paboritong tambayan ng kanyang mga magulang at pamangkin, dahil masarap magkape dito sa umaaga at manood naman ng sunset pagsapit ng dapit-hapon.

Photo credits: OG | Youtube

Ipinakita din ni Zaira ang isa sa mga outdoor place sa Winners Cabin, at ito ay ang grilling area kung saan madalas mag-bonding at gumawa ng stakes ang kanyang mga kuya at brother-in-law.

Photo credits: OG | Youtube

Matapos ipakita ang outdoor ng Winners Cabin, ay ipinasilip na ni Zaira ang indoor nito, at pagbukas niya ng glass sliding door ng naturang cabin ay agad ngang bumungad ang lounge area kung saan ayon sa kanya ay dito sila madalas na mag-bonding n kanyang pamilya pag nagsawa na silang tumambay sa labas. Dahil open space ang concept ng Winners Cabin, ay agad din na matatanaw ang kitchen mula sa lounge area.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ayon kay Zaira ang lot size ng Winners Cabin ay nasa 150 sqm, samantala ang floor size naman nito ay nasa 40sqm. Ipinakita din niya ang kitchen area nil ana bagama’t hindi ito kalakihan ay sinigurado namang makakagalaw ng maayos ang sinumang magluluto rito. Pagbabahagi naman ni Zaira ang Winners Cabin ay mayroong shared bathroom, at ng kanya itong ipinasilip ay makikita ang pagiging moderno nito, mala-motel din ang shower area nito.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Dagdag na saad pa ni Zaira, ang lupang tinayuan ng Winners Cabin ay pamana ng mga magulang sa brother-in-law niya, at dahil sa pagkakaroon nito ng magandang view kung saan matatanaw ang napakaganda at luntiang kabundukan ay dito na naisipan ng ate niya at mister nito na simulant ang magpatayo ng bahay dito, at ito na ngayon ang Winners Cabin.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ipinasilip naman niya ang mga bedroom area sa Winners Cabin, at isa sa mga silid nito ay mayroong bunk bed na may pullout bed at ang hagdanan ay storage na din para ma-maximize ang space. Sunod naman niyang ipinakita ang masters bedroom na ang access ay nasa labas, at mapapansin ang pagka-minimalist ng naturang silid.

Photo credits: OG | Youtube

Talaga namang napakaganda ng kabuuan ng Winners Cabin, at kahit sino ang mapasyal dito ay paniguradongmag-eenjoy sa pag-stay nila.
Sa mga nagnanais naman na mapasyal at mag-staycation sa winners Cabin ay maaring mag-message sa kanilang FB page na Winners Cabin.

This Tiny House Cabin Will Bring You Closer to Nature and Your Loved Ones | Amazing Staycations | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *