Mag-asawa na Itinaguyod ang Kanilang mga Anak sa Pamamagitan ng Pananahi at Pamamasada ng Tricycle Nakatanggap ng Bonggang House and Lot at Magarang Sasakyan Mula sa mga Ito

Labis ang tuwa at ligaya ng isang mag-asawa dahil sa kabila ng hindi sila humihingi o humihiling ng anumang bagay sa kanilang mga anak, ay kusang ibinigay ng mga ito sa kanila ang mga bagay na batid ng mga ito na magpapaginhawa sa buhay nilang mag-asawa.

Si Jerry Calata at kanyang misis na si Cely ay mayroong apat na anak, at bilang magulang ng mga ito, kahit mahirap ang buhay ay iginapang nila ito, mapagtapos lamang nila sa pag-aaral ang kanilang mga anak at mabigyan ang mga ito ng maganadang kinabukasan.

Photo credits: Gtv | Facebook

Isang tricycle driver si Jerry at ang misis niya namang si Celly ay isang mananahi, dahil sa kanilang pagsusumikap at pagtutulungang mag-asawa, napagtapos nila sa pag-aaral ang apat nilang mga anak at ang nakaka-proud pa sa mga ito ay lahat ay one-take board passer.

Photo credits: Gtv | Facebook

Photo credits: Gtv | Facebook

Photo credits: Gtv | Facebook

Ang mga anak ng mag-asawa ay sina Fatima (electrical engineer), James (civil engineer), Cecile (teacher) at John (mechanical engineer). Talaga namang lahat ng mga anak ng mag-asawa ay kayginanda ng prospesyon ngayon sa buhay, kaya naman masasabi nina Jerry at Cely na sulit ang dugo’t pawis na pinuhunan nila para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.

Photo credits: Gtv | Facebook

Photo credits: Gtv | Facebook

Kahit na magaganda na ang prospesyon ng apat nilang anak, ay hindi naman inoobliga ng mag-asawa ang mga ito na mabigay sa kanila o humingi ng anuman sa mga ito, ngunit dahil sa napalaki nila ng maayos at puno ng pagmamahal ang kanilang mga anak, ay kusang sinuklian ng apat na magkakapatid ang hirap ng kanilang mga magulang.

Bilang ganti sa lahat ng sakripisyo at hirap ng kanilang mga magulang para sila’y mapag-aral at mabigyan ng magandang kinabukasan, ay ibinili ng apat na magkakapatid ang kanilang magulang na sina Jerry at Cely ng two-story house at sasakyang kotse.

Photo credits: Gtv | Facebook

Hindi man naging madali ang buhay ng mag-asawang Jerry at Cely pati na ang kanilang mga anak noon, ngayon naman ay puno ng pagpapala at biyaya ang dumarating sa kanila.

Ngayong mayroong bahay at sasakyan sina Jerry at Cely mula sa kanilang mga anak, tanging kahilingan na lamang nila at tunay na hinahangad ay ang patuloy na magdamayan at magtulungan ang apat na magkakapatid. Isa pa sa mga hiling ni Jerry sa kanyang mga anak, ay ang magpamilya na ang mga ito upang magkaroon na rin silang mag-asawa ng mga apo na kanilang aalagaan at mamahalin.

Photo credits: Gtv | Facebook

Photo credits: Gtv | Facebook

Photo credits: Gtv | Facebook

Photo credits: Gtv | Facebook

Photo credits: Gtv | Facebook

Photo credits: Gtv | Facebook

Tunay namang kahanga-hanga at puno ng inspirasyon ang success story ng pamilya ng mag-asawang Jerry at Cely kasama ang kanilang mga anak, at ang napakagandang kuwento at puno ng inspirasyon nga na ito ng kanilang buhay ay naitampok sa programang Stories of Hope ng Gtv noong ika-25 ng Oktubre taong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *