Mag-asawa Masayang Ibinahagi ang Kanilang Maliit ngunit Kumportableng Bahay na Naipatayo nila sa Halagang Php55,000

Maraming magpamilya o mga bagong mag-asawa ang hanggang sa ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng kanilang sariling tahanan, dahil na rin sa kakapusan ng budget para rito, kaya naman ang iba sa kanila ay naninirahan muna kasama ang kanilang mga in-laws o kaya naman ay nangungupahan.

Samantala, may ibang mga mag-asawa o pamilya naman ang talagang gumagawa ng paraam na magkaroon ng isang tahanan na kahit maliit o simple lamang basta’t ito ay matatawag nilang sarili nila.

Halimbawa na lamang nito ay si Joshua Padagat at ang misis niya, na mas piniling magpagawa muna sa ngayon ng maliit at simpleng tahanan para sa kanilang mag-asawa sapagkat hindi pa nga nila kaya ang magkaroon ng malaking tahanan.

Ang ipinagawa nina Joshua na maliit na tahanan ay umabot lamang ang gastos sa halagang Php55,000, at kahit ito’y maliit lamang ay makakapamuhay naman sila dito ng maayos at kumportable.

Marahil marami sa ating mga homeowners ang magsasabi na ang halagang Php55k ay hindi sasapat kahit pa sa maliit na tahanan, magkaganun man ay pinatunayan nina Joshua at kanyang misis na posible ito lalo pa’t napagawa nila ang kanilang maliit na bahay sa ganitong halaga lamang.

Ayon sa ulat, naging posible kay Joshua at sa misis niyang makapagawa ng sarili nilang tahanan sa budget na Php55k, dahil sa pagiging wais nila sa pagpili ng simpleng disenyo.

Proud na ibinahagi ni Joshua ang kanilang simple at maliit na tahanan. Pinasalamatan din niya ang kanilang mga magulang sa pagtulong sa kanila sa pagbuo ng kanilang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan. Dagdag pa ni Joshua, sa ngayon ay wala pa silang anak na mag-asawa kaya naman perpekto para sa kanila ang isang simple at maliit na tahanan muna.

Marahil marami sa atin nag nagtataka kung paano ba naging posible na sa halagang Php55k ay makapatayo.ka ng isang maliit na kubo na may pagka half-concrete pa. Ayon kay Joshua, naging posible ito para sa kanila dahil nakalibre sila sa labor, sapagkat ang kanilang tito ang trumabaho ng kanilang tahanan at sila namang mag-asawa ang naging katuwang nito.

Ang halaga umanong Php55k ay ibinili lang nila ng lahat ng materyales na kakailanganin nila para sa kanilang munting tahanan.

Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Joshua na sa kabila ng pagiging maliit ng kanilang tahanang mag-asawa ay malinis at maayos ito. Ang kanilang flooringat lababo at tiles kahit pa nga ba ang kalahati ng dingding nila ay plywood ang kanilang ginamit.

Tunay namang nakakabilib nag mag-asawa, lalo na’t ang pagkakaroon nila ng simple at maliit na tahanan nilang ito ay isa na rin sa paghahanda nila sa pagbuo ng sarili nilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *