Mag-asawa Ipinasilip ang Kanilang Naipundar na American Farmhouse-Inspired sa Nasugbu Batangas na Pinangalanan nilang Gracia Viviente

Pamilya, barkada o magkaka-opisina ba kayo na naghahanap ng maganda at karelaks-relaks na lugar kung saan makakapag-enjoy at bonding kayo?

Isali niyo na sa pagpipilian niyo ang Gracia Viviente, isang American Farmhouse-Inspired Rental na matatagouan sa Nasugbu, Batangas, dahil hindi lamang ang napakagandang house rentals ang magugustuhan niyo dito kundi maging ang kamanghamanghang ganda ng tanawin na nakapaligid dito na talagang makakapagbigay relaks sa inyo.

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Ang mag-asawang sina Marie Shiela Pacula, 32-taong gulang at John Leslie Pacula, 33-taong gulang ang homeowner ng Gracia Viviente, at kamakailan lamang sa YouTube channel na OG, sa pamamagitan ng isang vlog ay kanilang ipinasilip ang napakaganda at tunay na kamanghamangha nilang property.

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Sa unang bahagi ng vlog ay agad na makikita ang napakaganda at napakalawak na property ng mag-asawa, na kanilang ngang tinawag na Gracia Viviente.

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Ayon kay Marie Shiela, ang kanilang property na ito ay inspire sa mga American Farmhouse, dahil noon pa man ay pangarap na talaga nilang mag-asawa ang ma-experience kung paano ang mamuhay sa bansang Amerika.

Pagbabahagi pa ni Marie Shiela ang farmhouse nilang ito na American inspired ay may temang black and white, kaya naman ang kabuuang pinta ng farmhouse ay kulay puti, samantala ang mga pintuan at bintana naman nito ay napipinturahan ng itim.

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Pinasilip din ni Marie Shiela na maging ang tiles sa kanilang porch o balkonahe ay black and white din para bumagay sa tema ng kanilang farmhouse. Ayon pa sa kanya, dito siya madalas na tumambay lalo na kapag nag-e-enjoy siyang panoorin ang kanyang mga anak na naglalaro sa playhouse.


Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube 

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Pagpasok naman sa mismong farmhouse, ay agad na bubungad ang napakagandang interior, at ang mga magagandang furnitures, na ayon kay Marie Shiela ay ipinasadya talaga nilang mag-asawa, sa kagustuhan nilang maging maganda ang kalidad ng mga ito.

Ayon pa kay Marie Shiela ang Gracia Viviente farmhouse ay mayroong 3-bedrooms, kung saan dalawa sa mga ito ay maaring mag-accommodate ng lima dahil sa pull-out bed na mayroon ito, samantala ang isang bedroom na matatagpuan naman sa may bandang Lanai area ay kaya namang mag-accommodate hanggang walo at ito ay ang tinatawag naman nilang barkada room.

Maliban sa bedroom ng farmhouse nila, ay ipinasilip din ni Marie Shiela ang kanilang living area, dining at main kitchen area, toilet and bath ng bawat bedroom, dirty kitchen, pool area at ang kanilang lanai area.

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube
Ayon kay Marie Shiela ang kanilng pool ay isang built-in pool na inorder nila sa Amerika. Ayon pa sa kanya, ang kanilang pool area ay ang isa din sa mga lugar na paborito nilang tambayang magpamilya, lalo na kapag nais nilang sulyapan ang sunset.

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Hindi lamang naman ang mismong farmhouse ang kamamanghaan sa Gracia Viviente, dahil maging ang kapaligiran at tanawin dito ay tunay na kabigha-bighani.

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Isa pa din sa talagang agaw-pansin sa Gracia Viviente ay ang kanilang lifesize playhouse na siguradong ma-e-enjoy ng bata sa outdoor.

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Ipinasilip din ni Marie Shiela ang isang wide area sa kanilang property, kung saan ayon sa kanya ay doon sila madalas na mag-stay na mga adult sa kanilang pamilya habang pinagmamasdan ang mga kids na naglalaro sa playhouse. Mayroon din silang area sa kanilang bakuran kung saan sila nagka-camp at nagbo-bonfire.

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Pagbabahagi naman ni Marie Shiela ang Gracia Viviente ay mayroong lot area na 1,200 sqm., samantala ang floor area naman ng farmhouse nito ay nasa 400 sqm.

Photo credits: Only Good Content (OG) / Youtube

Ibinahagi din niya na ang kabuuang halaga ng buong farm kasama na ang lupain, farmhouse at mga makikita na kagamitan dito pati na ang ibang mga anik-anik o karatehan niya, ay nasa Php8-milyon hanggang Php9-milyon.

Sa mga nagnanais naman na magpa-book sa Gracia Viviente at i-enjoy ang napakagandang sanctuary nito, ayon kay Marie Shiela ay maaring mag-inquire sa kanilang Facebook page na Gracia Viviente.

Tour an American Farmhouse-inspired Rental w/ Spacious Outdoors & Incredible Views | Unique Homes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *